Bahaghari sa Karimlan ni Trizia Oliver
Bahaghari
sa Karimlan
ni Trizia Oliver
Tuwing ako ay may
panibagong nakakasalamuha na tao, sila ay nalilito kung ano ngaba ang kasarian ko.
May mga tumatawag sa akin na “sir” tuwing ako ay tatanungin kung ano ang order
ko. Mga batang nanlilimos sa tabi-tabi ay tinatawag akong “kuya”. Lahat ng ito
ay nararanasan ko halos araw-araw.
Madaling araw na
ngunit hindi ko parin magawang ipikit ang aking mata. Tila ba may mga bagay na
gumugulo sa aking isipan at paulit ulit akong gumugulong sa aking higaan.
Lumipas ang ilang oras ay sumisikat na ang araw at ang paligid ay lumiliwanag na.
Bumangon ako at nagsimula nang kumilos at inihanda ang sarili dahil ngayon ay
ang unang araw ng unang semester.
Tipikal na unang araw
ng klase, iba’t ibang tao, bagong klasroom, at panibagong mga titser. Ngunit
para sakin, iba ang ihip ng hangin noong araw na iyon. Tila hindi pa rin naalis
ang gumugulo sa aking isipan. Pagpasok ko ng silid aralan ay nakita ko na ang
mga tao na makakasama ko sa halos isang taon. Pinili kong umupo sa sulok dahil
ako ay naninibago pa.
Pumasok ang isang guro
na nagsilbing “temporary adviser” namin. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang
gamit sa lamesa ay nagpakilala na siya. Pagkatapos magpakilala ay isa isa
kaming pinatayo sa gitna ng klasroom at nagpakilala. Alam kong para sa iba espesyal
ang araw na iyon ngunit para sa akin ay ito ang araw na pinakainiiiwasan ko.
Ito na, oras ko na para magpakilala. Pawis na pawis ang ilong at kamay ko’y
nanginginig. Lahat ng mga mata’y nakatingin sa akin na siyang pumipigil sa
dapat igalaw ng aking bibig. Matapos ang ilang segundo ay nagkaron na ako ng
lakas ng loob na magpakilala. Wala akong ngiting natanggap at patuloy pa rin
silang nakatitig sa akin habang ako ay papunta sa sarili kong pwesto. Buong
maghapon ay puro pangalan at pinanggalingang paaralan ang lumalabas na salita
sa aming mga bibig.
Kinabukasan, simula na
ng pagtatalakay ng mga paksa sa kanya kanyang asignatura. Nang sumapit ang
filipino time, ang aming guro ay nagtatanong at nagpaparecite. Siya ay
nagtanong ukol sa barayti ng wika. Naglakas ako ng loob na sagutin ang tanong
niya kaya ako ay nagtaas ng kamay, tinawag niya ako at sinabing “O’sige iho”.
Lahat ng mga kaklase ko ay nagsipagtawanan at ang guro ay nagulat at nalito
kung bakit biglang nagsitawanan ang kanyang mga estudyante. At nang siya ay
lumingon muli, nakita niya na ang rason kung bakit. Bigla niyang hinabol ang
mga salitang “pasensya ka na kala ko kasi lalaki ka” at sinagot ko naman ito ng
“okay lang po” at ibinanggit ko na ang aking sagot.
Matapos ang klase, ako
ay dumiretso ng uwi. At habang ako ay nasa biyahe paulit ulit na gumugulo sa
aking isipan ang mga pangyayari, mula sa pagtukso ng paulit ulit at ang pagtawa
ng mga kaklase ko. Alam kong hindi nila kasalanan kung bakit ganto ang aking
nararamdaman. Onti-onti akong naiinis sa aking sarili at paulit ulit na
itinanong, “bakit ng ngaba ako ganito?”. Naiinggit ako sa mga taong normal
mamuhay. Nakalimutan kong normal rin naman ako ngunit bakit tila ang trato ng
ibang tao sakin ay hindi. Lagi kong naaalala kung pano tumingin sa akin ang
ibang tao simula ulo hanggang paa pagkatapos ay bubulong sa kanyang kasama
habang nakatingin sakin.
At sa wakas, ako’y
nakauwi na. Ako ay makakapagpahinga na sa ingay na laging gumugulo sa aking
isipan. Makakapagpahinga na muli ako sa lahat ng problema ko. Ngunit kabado pa
rin dahil ang bukas ay muling dadating.
Comments
Post a Comment