Bakit Mahilig Mag-Jakol ang mga Pilipino? ni Haedric Kiel Daguman

Bakit Mahilig Mag-Jakol ang mga Pilipino?
Haedric Kiel Daguman


A
koý nasa sibi, nakahiga. Sa taas ng lansangan ng malate’y sumisimoy ang hanging maginaw. Nakatingin sa may langit at bagkus ay nakatingala, naghahanap ng isang talang kasingkinang ng iyong mga mata. Tumunog ang telepono at bumangon upang magbihis sa naka-abang na gala, sa kinasanayang lugar sa may tabi ng Plorezida at Lakda. Mga boteng naka-kalat at mga taong nakahilata, ang tingin sa isa’t isaý kasing tamis ng hawak na serbesa. Nagkumpulan sa mesa at pinaikot ang kupeta, Truth or Dare, isang tanong: “Gawin ang mga sikretong itinago ng ating magulang.”
Isang bagay na ginagawa naman ng lahat ng tao, ngunit dapat i-sikreto, at hindi pinaguusapan sa harap ng publiko. Isang bagay na mahahawig sa napakaraming bagay dito sa ating estado. Pag binabanggit, ay para kang demonyo. Ngunit pag mag-isa na at nakasara ang pinto, sobra-sobra pa ang pagkahumaling sa iniinsulto. Kung hindi mahilig mag-jakol ang pilipino, bakit sa bawat palabas pangtanghali ay may mga babaeng umiindak sa tapis na nagtatakip lamang sa iilang parte ng katawan? Bakit napakaraming motel sa mga bayang ni isang dayuhan ay wala naman? Ang mga pelikulang bomba ng dekada-sitenta? Na pag may skandal ang isang artista ay buong barangay na ang nakakita sa loob ng isang oras na lilipas? Hindi ba’t, napakahypokritika ng sinusunod na tuwina? Isang estadong parang-bata, na sa bawat paguusap ng sex ay tatawa sa kaloob-looban, habang nagpapahiwatig sa labag ng tingin ng pagkakasuklam
Tuloy parin na ang kabataan ay tatanda nang nalalaman ang sex mula sa mga kapwa na kasama, mga kasamang patago ring nagjajakol sa pagtanaw ng nakapaligid na autorihiya, at ang mga magulang ay magpipikit-mata sa mga di maiiwasang pagtuklas ng natural na kaligayahan. Isusuklam at itatakwil ang kanilang mga anak na “nagkamali” gawi ang ganitong mga bagay, kahit una at una palang, wala naman silang alam itinago at kinundena. Mga bagay na ayaw pag-usapan ng ating mga kapwa. Paano gagana ang RH Bill kung tayo mismo ay nagtatago sa pasada ng “kalinisan”. Kalinisan na kailanman, hindi naging makatotohanan.

Hindi ba’t mas magandang magabayan at maintindihan, kung bakit dapat at hindi dapat, makipagsiping sa aking kapwa? Na ang pagtatalik ay hindi isang demonyo na makasisira ng iyong buhay, ngunit isang paraan ng pagtuklas na may kaakibat na responsibilidad at dapat ginagawa ng ligtas. Darating kaya ang araw na walang sino mang mahihiya, na sabihin at ituro, ‘Anak, basta maging responsible at ligtas ay hindi ikasasama.”

Comments