Paaralan ni Patricia Manalo

Paaralan
ni Patricia Manalo

Madami ang nangangarap o naghahangad na makapasok sa magandang unibersidad na ito. Ikaw ay maswerte na kapag nakapasa ka o nakapasok ka sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa aking sariling karanasan noong ako ay labing isang taong gulang pa lamang gusto ko na mag-aral sa paaralang sinasabi na “Royal and Pontifical Catholic University of the Philippines”. Madami akong makukuhang oportunidad at matututunan kapag sa Unibersidad ng Santo Tomas ako nakapag tapos ng pag-aaral.
Gusto ko mag-aral dito dahil gusto ko ituloy ang pangarap ng aking mas nakakatanda na kapatid na mag-aral at magtapos sa UST. Nung sinubukan niya makapasok dito ay napunta siya sa wait lister at hindi na niya nahintay dahil kapag siya ay hindi nakapasok dito ay mawawalan na siya ng pwede pang pasukan dahil sa isa pa niyang paaralan na kanyang sinubukan ay pasado na siya at sayang naman. Hindi naman din iyon basta basta lang na paaralan. Sa ikalawang banda ang aking nanay ay dito din sa paaralang ito nag-aral. Gusto din niya na dito ako mag-aral upang sumunod sa kanyang yapak. Siya din ang nagbibigay sakin ng inpirasyon upang mag-aral sa unibersidad na ito.
Nang dumating ang panahon ng pasahan ng mga requirements sa darating na USTET ako ay nagsipag ayusin at asikasuhin ang mga kinakailangan. Alam kong hindi ito madali dahil madami pa akong pupuntahan na iba’t ibang opisina sa aking dating paaralan na “La Consolation College- Pasig”  Ako ay nagkaroon ng problema nung kinukuha ko ang tinatawag na “Form 137” ko dahil kailangan ko pa itong kunin sa aking paaralan dati sa Batangas. Dahil dito ako ay naging second batch sa mga kumuha ng exam. Nang matapos ang pagsusulit at lumipas ang mga araw, ako ay kinakabahan na. Ang dami pumapasok sa aking isipan kagaya ng “Paano kung hindi ako maka pasa?” “Parang hindi ako makakapasok dito.” At iba pa.
Para ako ay makasigurado nag exam din ako sa iAcademy dahil dun specialized yung kukunin kong kurso sa kolehiyo at ito ay ang Multi Media Arts. Sa paaralang ito ako ay nakapasa subalit inantay ko muna ang resulta ng USTET dahil ito ay sayang naman. Nang dumating na ang oras para sam ga resulta ako ay sinimulang kabahan nagsimula nanaman ang mga pumapasok sa utak ko na hindi ako makakapasa. Ako ay nakatulog dahil nung tinignan ko yung sinabing site ay wala pa abang ako ng abang hangga’t sa ako ay nakatulog na. Nagulat ako dahil ginising ako ng pinsan ko na 7 taong gulang na “Ate! Ate! Nanalo k asa lotto!!” Ako ay napaisip naman at sinabig “Ha? Nanalo sa lotto? Ano sinasabi mo?” Tapos binigay niya sa akin ang telepono ng aking nanay ay ipinakita yung pangalan ko. Gulat na gulat ako at sobrang natuwa napatakbo ako palabas ng bahay at sinabi agad ito sa akin lola.
Nang nakalipas ang bakasyon at nagsimula na ang klase ako ay nahihiya dahil wala akong kaibigan sa klase ay sila ay magkaka kilala na. Dumating pa nga ako sa punto na mag back-out nalang dahil hindi ko kakayanin ang buhay sa UST. Pero dahil sam ga taong nagmamahal sa akin pinagpatuloy ko ang pag pasok sa paaralan na ito. Naging gabay din ang aking mga kaklase dahil tinulungan nila ako na maki angkop sa klase.
Napansin ko lamang nang tumagal ako sa paaralan na ito na parang hindi pa sila handa para sa Senior High School students. Hindi pa ganun kaayos ang pamamalakad nila sa mga studyante. Oo, alam ko na pinag eksperimentuhan pa lamang kami ngunit sa tingin ko dapat kahit paano ay alam nila paano kami hawakan. Bigla bigla nag aanunsyo sa nga mga dapat gawin o ipasa sa opisina o kaya anunsyo na may magaganap na mahalagang pangyayari. Madaming nagugulat sa mga ganito hindi lang kaming mga studyante kundi pati na ang mga guro dahil naka ayos na ang kanilang mga dapat ituro sam ga susunod na araw kaya binago ulit nila ito.

Sa kabila ng mga ito ako ay natutuwa pa din dahil ako ay naging parte ng Thomasian Community. Hindi biro ang maging isang ganap na Thomasian madami mang problema o hirap na dumaan o dumating, alam ko sa sarili ko na sa huli kami kami pa din ang magtutulungan. Madami akong natutunan dahil sa unibersidad na ito isa na dito ang dapat hindi masyado mataas ang tingin mo sa iyong sarili dahil alam natin na meron mas magaling, mas matalino at mas masipag sa atin ang dapat lang nating gawin ay gawin an gating nakakaya upang makapag tapos dahil hindi naman ito pagalingan o pataasan, para sa akin dapat ay nagtutulungan  tayong upang sabay sabay umangat at hindi ibababa ang isa upang umangat ka. 

Comments