Gender Discrimination
Gender
Discrimination
Ang
Gender Diskriminasyon ay ang hindi pag pantay pantay ng pagtrato sa mga
kasarian. Ito ay nangyayari dahil sa maraming rason. Pwedeng dahil tingin ng
mga lalaki ay mas angat pa sila sa mga babae, o kaya vice-versa.
Dito
sa Pilipinas, tayo ay isa sa mga nangungunang bansa kung saan laganap ang
"Gender equality", hindi ibig sabihin nito ka wala nang
diskriminasyon sa dalawang kasarian.
Ang
interpretasyon ng larawan na ito ay ang paglunsad at ang pagsulong ng
kalalakihan at ang pag-iwan ng mga kababaihan sa lipunan na lumalaki ang agwat
ng "Gender inequality". Pag napansin ninyo ang litrato, hindi
makagalaw ang babae dahil pinapalagid siya ng madaming lalaki na nasa loob ng
elevator. Sa halip, naging malungkot at hindi alam kung ano ang gagawin ng
babae.
Ipinahihiwatig
ng larawan na ito ang hindi pantay na pag trato sa mga kababaihan kumpara sa
mga kalalakihan. Nakikita ang pangyayari na ito sa mga bansa na nakatanim sa
kultura na walang kapangyarihan ang mga kababaihan. At isang halimbawa nito ay
ang mga muslim. Madaming pang ibang pangyayari na nadudulot sa ganitong
pagiisip, kagaya ng maagang pagpapakasal, ang pagkawapa ng dangal ng
kababaihan, at mahirap ang pagkakaroon ng pagsulong habang hindi gaanong
nababago ang estado ng kababaihan sa kanilang pagtratrabaho. Nakasara ang
kaisipan ng mga tao sa pananatli ng kanilang paniniwala sa tradisyunal na
kultura.
Sa
madaling salita, ang Gender Dicstimination ay nakikita kahit saang lugar, sa
trabaho o sa kalye man. Sa kasalukuyang panahon ang mga lalaki ay mayroong
kapangyarihan ngunit hindi ibig sabihin noon na ang mga kababaihan ay mahina.
Ang bawat isang tao ay may kakayahan at hindi dahilan ang kasarian upang maging
hadlang sa kanilang kakayahan o pagkatao.
BISENIO,
Zedric
BUNALES,
Jericaleen
CARAGDAG,
Riva
GALANG,
Marco
REMIGIO,
Pamela
SARMIENTO,
Mia


Comments
Post a Comment