Bakit namin mahal ang magsulat?
The good writers touch life often. The mediocre ones run a quick hand over her. The bad ones rape her and leave her for the flies.” ― Ray Bradbury, Fahrenheit 451
May kakayahang magbago ng mundo ang pluma. Makikita natin eto kay Dr. Jose Rizal, na nag sindi ng mitsa upang sumiklab ang nasyonalismo ng mga Pilipino. Na siyang dahilan kung bakit nabuo ang Katipunan. At sa Katipunan, lumitaw ang dalawa pang magigiting na bayani, si Bonifacio at si Aguinaldo. At mula sa Katipunan ay nabuo ang Unang Republika ng Pilipinas. At mula sa Unang Republika ay nagkaroon ng independensya.
Lahat ng ito, nagsimula sa pluma. Dahil sa pagmamahal sa tinta. O pintacasi ng tinta.
Nakapaloob sa class blog na ito ang ilan sa mga sanaysay ng mga magaaral ng Humanidades at Agham Panlipunan 6 ng Unibersidad ng Santo Tomas, sa gabay ni Gng. Jonathan Geronimo.
Sana ay, gaya ng sabi ni Ray Bradbury, mabago ang buhay niyo sa pagbabasa ng mga akda.
Maraming Salamat!

