Ang Aking Bakasyon sa Malaysia at Singapore ni Grace Uy
Ang Aking Bakasyon sa Malaysia at Singapore
ni Grace Uy
Noong
2011, napagplanuhan ng aking mga magulang na magbakasyon sa Malaysia at
Singapore. Ako’y labing-isang taong noong ako’y unang nagbakasyon sa labas ng
bansa. Laking tuwa ko noong nalaman ko na makakasama ako sa kanila dahil
sobrang tagal kong pinangarap na makasakay sa eroplano at makapunta sa ibang
bansa. Una kaming nanatili sa Malaysia bago makapunta sa Singapore. Kami’y
bumisita sa night market noong dumating kami sa Malaysia at alalang-alala ko pa
ang amoy ng mga Malaysian sa night market. Nagtanong ako sa magulang ko kung
bakit ganun ang amoy ng mga tao dun at kung normal lang ba yun. Ang sagot naman
ng mga magulang ko ay normal lang yun at nakukuha nila ang amoy na yun sa mga
kinakain nila. Sa sumunod na araw, kami ay nagpunta sa isang “amusement park.”
Labis ang aking kalungkutan dahil nasabayan kami ng ulan noong bumisita kami
doon. Mas lalo akong nalungkot dahil hindi ko man lang nasulit ang aming bayad
at hindi ako nasiyahan dahil kakaonti lamang ang aming nasakyan na rides. Sa
pangatlong araw namin sa Malaysia, kami ay naman ay nagpunta sa Lord Murugan
Statue. Ako’y namangha noong nasilayan ko ang rebultong iyon dahil sa laki niya
at sa kanyang gintong kulay. Sinubukan namin akyatin ang hagdan papunta sa
kweba Ngunit hindi din namin ito natuloy dahil sa sobrang pagod at sa dami ng
baitang.
Bago
kami nakarating sa Singapore ay napagsabihan ako ng aking mga magulang na ang
bansang iyon ay isang “multilingual nation” at hinikayat nila akong mas
pagaralan ang pakikipagusap gamit ang Mandarin dahil ang ibang mamamayan sa
Singapore ay gumagamit ng lenggwaheng iyon at dahil ito din ang isang paraan
upang maintindihan namin ang isa’t-isa.
Ang
Singapore ay binansagang “food capital of Asia” at masasabi kong totoo iyon.
Hindi ka agad magsasawang lumamon dahil mayroong Chinese, Indian, Malay,
Indonesian at Western na kainan sa Singapore.
Ang
“main streets” sa Singapore ay okupado, makulay at puno ng “street food.” Magandang
gumala o mamasyal sa kalsada ng Singapore pag gabi dahil iyon ang mga oras na
magsisibukasan ang mga “street lights” at “city lights.”


Comments
Post a Comment