Ang Araw ng Miyerkules ng Isang Probinsyana ni Kristen de Guzman
Ang Araw ng Miyerkules ng Isang
Probinsyana
ni Kristen de Guzman
Panahon na naman para bumiyahe
ako. Nakaiinip, nakaiinis, at nakababagot.
Mahirap magaral sa Maynila bilang
isang estudyanteng taga probinsya. Mag iisang tao na akong nakikipagsapalaran
dito pero hindi pa rin ako nasasanay. Sinusukuan ko pa rin ang polusyon ng
EspaƱa. Takot pa rin akong makipagpatintero sa mga sasakyan sa Pnoval. Araw
araw pa rin akong namomroblema upang humanap ng makakainan mag-isa.
Ngunit, wala na sigurong mas
titindi sa nararanas kong byahe pauwi ng Laguna. Tuwing sasapit ang araw ng
Miyerkules, maaga pa lang ay umiisip na ako ng paraan kung paano ako
makakarating ng bahay ng maaga dahil isa itong malaking abala. Mas pinoproblema
ko pa ito kesa sa mga gawaing aking aasikasuhan sa gabi.
Hindi na bago sa nakakarami ang
trapiko sa aming lugar. Ika nga ng lahat, may sariling EDSA ang Laguna. Wala
kang takas dahil mula Lunes hanggang Linggo, ano mang araw ka bumiyahe,
mararanasan at mararanasan mo pa rin ang hagupit ng trapiko. Sa kaso ko, ang
dapat na dalawang oras lamang na byahe ay minsan ay tumatagal ng apat o hindi
kaya ay lima. Pasensya, lakas
ng loob, at konting meryenda ang lagi kong puhunan sa ganitong klase ng
pakibakbakan.
Wala ng pagpapalit ng damit na
nagaganap. Kahit pawis na pawis na ang uniporme ay didiretso na ako agad sa
sakayan na papuntang buendia. "Mag
e-LRT pa ba ako?", tanong ko lagi sa sarili habang iniisip ang
trapiko ng taft. Madalas kong sagot ay huwag na. Wala na rin kasi akong lakas
upang mag lakad papuntang estasyon ng sentral kahit alam kong
mas mapapadali kung ako ay sasakay na lang ng tren. Tinitiis ko na lang ang
masikip na espasyo ng fx dahil ayoko ng bumaba. Mapaaga man ako ng bahagya o
hindi, alam kong ganoon lang din naman
ang madadatnan ko sa estasyon ng mga sasakyan papuntang probinsya-mahaba ang
linya, mabanas, at wala pang bus.
At para sa araw na ito, tama ang
hinala ko. Mahiyain man ay maglalakas loob akong magtatanong sa
aking
katabi kung tama bang pa-Laguna itong pinipilahan ko. Maghihintay ng mga isang
oras pa bago makaupo ulit. Pinapanalangin na sana ay sa harapan makakaupo ng makuha kaagad ng konduktor ang
bayad ng sa gayon ay makaidlip pagkatapos.
Magigising sa gitna ng trapiko
kapag ako ay nasa may
bandang Calamba. Madalas kong mapansin na marami na ring nakatayong pasahero at
palihim na magpapasalamat dahil ako ay komportableng nakaupo. Baba ng Bae at
maghihintay ng jeep papuntang San Pablo. Titignan ang orasan at sasabihin sa
sarili na ginabi na naman ako. Buong lakas ng hihiyaw upang pumara sa kanto na
kung saan isang ilawan lang ang tanging palatandaan na nasa sa amin na ako.
At uulitin muli ang ganitong gawi
sa susunod na Miyerkules. Mapapagod, magtiis, at maiinip ngunit sa kabilang
banda ay hindi pa ring magsasawang umuwi ng umuwi dahil mayroong mga
naghihintay sa aking pagdating.


Comments
Post a Comment