Ang dahilan kung bakit ayaw ko na pumunta sa Uptown Mall Bonifacio ni Princess Mae Bartolome

Ang dahilan kung bakit ayaw ko na pumunta sa Uptown Mall Bonifacio
ni Princess Mae Bartolome

Uptown Mall Bonifacio. December 22, 2016.

Nakakalula talaga sa una ng pumasok sa mismong pintuan. Ay! Isang automatik na pintuan na

nagbubukas-sarado. Nakakamangha lang talaga ng tinitingnan mo ay isa pala condominum at

business center ang nakapaligid sa mismong mall. Malayong-malayo sa hangarin ko na isang

disenteng bahay at nabibigyan na sapat na pangangailangan, ok na. Pumasok kami, nakita namin

puro H&M at mga tindahan galing sa ibang bansa- na nandoon na lahat ng pangangailangan mo.

Lalo na kung gala lang ang sadya, ay hanggang tingin ka lang (yun kasi ang nangyari sa amin).

Nang umakyat kami sa 5th floor, hindi mo aakalain na nasa Pilipinas ka at kung tao ba talaga ang

mismong magdisenyo nito! At mismong mga restaurant talagang hirap hanapin, doon mo makikita!

Pero pagkababa namin sa mall, may mga bagay ako na hindi ko maramdaman na maayos. Na kahit

maganda tingan ang mga bagay-bagay, naiisip ko bakit pa sila ginagagawa? Kinakailangan ba ito?






Nadudurog ang tingin ko sa sarili ko kahit ako ay isang simpleng tao na hindi sinusukat ang yaman

sa pagkatao, ang sakit na parang ewan ko ba. Bakit nagiging sukatan ng bagay ang ganito.

Mababaw ang kagandahan sa nakikita ko. Na isang delubyo ng kalikasan ay madaling masira. Na

ang bagay na lahat naman pantay-pantay ay nawawala na ng pagka pantay dahil binibigyan ng

presyo (minsan walang hustisya ang tubo). Sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi ako magiging

masaya dito. Dahil hindi naman sukatan ang kaligayahan ang pera kung ito ay sobra sobra na, base

sa isang pag-aaral na ginawa ni Doug Short, $75,000 ang "happiness bench-mark" sa Estados

Unidos. Kahit gusto ko naman ang bagay, alam ko sa sarili ko na isang illusyon lamang ang

kasiyahan at kinakabit ko ilang ito sa isang bagay hindi porket na may disenyo siya makakawala ng

sugat sa aking kaluluwa.

Comments

Popular Posts