Angkla ni Kaye Mendoza

Angkla
ni Kaye Mendoza


Angkla? Bagay na mabigat na gawa sa bakal na ibinabato sa dagat upang hindi umuga o madala

ng alon ang isang Bangka. Yan ang depinisyon at unang papasok sa iyong isipan kapag narinig

mo ang salitang angkla. Pero para sakin, Ang angkla ay isang bagay na ibabato sa dagat pero

iaahon rin at dadalhin kasi may layunin na ginagampanan sa pangingisda at may halaga na di

dapat kinakalimutan.

Ako ay 17 taong gulang pa lamang at medyo marami nang karanasan sa buhay. Ilang beses na

akong nadapa at ilang beses na rin ako tumayo at lumaban ulit. Naalala ko noong nasa ika-pitong

baytang ako, nagalit sakin ang tatay ko dahil hindi daw ako nag-aaral at puro daw paggagala ang

inaatupag ko. Sa inis ko, sinabi kong “Daddy nag-top 1 po ako sa klase this year.” At ang sagot

niya ay “Sa tingin mo magaling ka na? sa tingin mo mas matalino ka na kaysa saamin?”. Noong

bakasyon naman bago ako mag-gr.9 ay nagkaroon ako ng boypren na iniwan ako at ipinagpalit

tapos kinausap ako nung ipinalit sakin at sinabing “malandi ka at mang-aagaw ng may jowa.

Sana masira buhay mo” tipong sobrang sakit ng pag-iwan sakin tapos may mga maririnig pa

akong ganong salita tapos kinabukasan dun lang ako nagalit at sabi ko sa sarili ko na “one day

magsisi din siya.” Hanggang sa makapasok ako sa bago kong eskwelahan ay nakarinig ako ng

mga salitang nakakaba at nakakasira ng pagkatao ko. Sa loob ng silid aralan ay naririnig ko ang

mga parinig sakin ng aking mga kaklase na pabida daw ako kasi bagong lipat tapos pang-pito

daw ako kaagad sa klase at sabay-sabay ako papabagsakin ng grupo nila at pupunuin ng

pangalan nila yung Top 10 ng klase. Magiging totoo ako, nagpa-apekto ako sa mga sinabi nila

kaya kada bigayan ng kard ay pababa ng pababa ang ranggo ko sa klase. Gusto ko kasi

magkaroon ng kaibigan at hindi kaaway kaya para mabawasan ang isyu ay nagpaparaya ako.

Nagparaya ako kasi naisip ko na kailangan ko mag-adjust, bagong school kaya bagong buhay at

bagong mga kaibigan. Nagkaroon ako ng kaibigan pero ayoko din siyang taasan o kahit ano kasi

ayoko talaga sa isyu at isa pa nga lang siya na kaibigan ko mawawala pa natapos ang taon na

nasa pang-15 ako o kaya 20. Bakasyon bago ako mag-gr10 ay kinausap ako ng girlfriend ng

lalaki na iniwan ako at sinabing break na sila. Nagulat ako kung bakit niya sakin sinabi pero

tinanong ko na lang siya kung anong nangyari at sinabi niya sakin na isang beses nag-away sila

at sinigawan siya at sinabi na, “Alam mo bang napakahirap makita yung babaeng mahal mo,

nakikitang masaya na di na ako yung dahilan?” at natawa na lang ako kasi di ko alam kung totoo

o joke lang yon at di ko na ulit nireplyan. Ika-sampung baytang ay nagdasal ako na sana wala na

akong kaklase ni isa sa dun sa grupo nila at sana yung bestfriend ko na lang kaklase ko. Pero

may isa pa din akong naging kaklase sakanila at naging kaklase ko rin yung kaibigan ko ulit,

bawi naman ako sa adviser ko dahil mabait ito at siya rin yung gusto ko maging adviser ko. Kaso

habang lumilipas ang panahon ay nangyari ulit yung nangyari noon na nagkaroon ng grupo na

medyo mainit ang mata sakin sapagkat noong inanunsyo ang Top 1 ay pangalan ko ang tinawag

at nagkaroon pa ako ng subject excellence sa Science at Araling Panlipunan. Kita ko ang mga

mata ng mga kaklase kong sinasabi na di mo deserve maging top 1. Di na ako masyadong

naapektuhan kasi may mga kaibigan na akong pinapasaya ako at sinasabing wag ko na pansinin

at mas naka-pokus ako pagpapanatili ng aking subject excellence sapagkat gusto kong paakyatin

ng entablado ang nanay ko. Dumaan ang 2 nd quarter at 3 rd quarter nasa top 2 o top 3 na lang ako

dahil pokus ko naman ng mga panahon na yon ang pagrerebyu para sa USTET dahil gusto ko rin

na maipagmalaki ako ng tatay ko na taga-UST ako. 4 th quarter ay bumawi ako dahil nakarinig

ako ng mga salitang “Sisters mawala lang yung si Kaye at Jannina sa top10 kumpleto na tayo”

naapektuhan ako pero sa magandang paraan. Mas lalo ako naging masigasig sa pag-aaral at hindi

ko rin pinabayaan si Jannina (bestfriend ko) na mawala sa top 10. Buwan ng Marso ay iaanunsyo

ang mga subject excellent sa iba’t ibang asignatura at di ko naman nabigo ang sarili ko dahil

subject excellent parin ako sa Araling Panlipunan kaso wala na ako sa Science pero ayos na din

dahil aakyat pa rin ang nanay ko sa entablado upang sabitan ako ng medalya. Sa kaparehong

buwan din, nalaman ko ang USTET results ko at wait-listed ako pero nung naglabas ng unang

pangkat ng tanggap na wait-listed ay nakita ko kaagad ang pangalan ko. Buwan ng Abril kuhaan

ng kard, pagkapasok ko sa silid-aralan ay tiningnan ko ang blackboard namin. Nakita ko ang

pangalan ko Top 1 Kaye Jewel Mendoza – 89.76 at overall top Kaye Jewel Mendoza 91.10

Marami akong naging problema. Marami akong napagdaanan. Maraming tao yung sumubok sa

tingin ko sa sarili ko at tiwala ko sa sarili ko. Pero umpisa nung makita ko ang angkla ay naging

simbolismo na ito ng pagkatao ko, Para akong isang bakal na hindi na ulit masisira nino man,

may layunin na dapat gampanan sa mundo at may halaga na di ko dapat kalimutan kahit ilang tao

pa ang magpalimot saakin dahil yung mga taong nagbato sakin pababa at nagpalubog sakin ay

siyang mga tao din na huhugot sakin pataas at magiging dahilan sa pag-ahon ko muli.

Comments

Popular Posts