Anino ni Escalante, Eleanor Marie D.C

Anino
ni Escalante, Eleanor Marie D.C 


Gumising ako at aking mga kasama ng alas-dos ng madaling araw para bumiyahe mula Bulacan papuntang Ilocos. Sa kabila ng antok, malamig na tubig na pampaligo at kalam ng gutom na sikmura, lahat ay masaya pa rin sa mangyayaring paglalakbay. Kanya-kanyang posisyon sa sasasakyan upang makahanap ng pwesto at makabawi ng tulog. Kanya-kanyang gimik upang malibang sa biyahe; may kumakain, nagpapatugtog, nagkukwento, naglalaro at iba pa. Tila ba nakakaubos ng mga pwedeng gawin ang pitong oras na pananatili sa sasakyan. Makalipas ang nakakabagot at mahabang oras, narating na namin ang Ilocos. Napatunayan ko ang mga dating naririnig at nababasa ko lang, tunay nga namang maganda ang lugar. Mapapahanga ang kahit sino, dayuhan man o Pilipino. (Bell Tower, Ilocos Sur) (Malacañang of the North, Ilocos Norte) (Cape Bojeador, Ilocos Norte) Ang bawat lugar sa Ilocos ay parang mga piyesa ng isang puzzle, mistulang nagkukwento ang mga ito ng kasaysayan. Ang mga dagat na nakakakalma, ang mga parke na ipapapakita sayo ang iba't-ibang klase ng tao, ang mga pagkain na ipaparamdam ang buhay ng isang lokal, ang mga nakakahangang museo pati ang dami ng turistsa na tunatangkilik sa mga ito ay ilang patunay kung gaano kaganda at kapatok ang Ilocos. Matapos kong magpost ng larawan nakatanggap ako ng kumentong "Inggit :(" at napaisip ako kung bakit. Baka sa kadahilanang hindi ito ay tipikal na itsura ng Pilipinas at ng Pilipino dahil ang Ilocos nga ay nananatiling parang maliit at lumang Espanya. Sa likod ng ganda ng Ilocos ang mga natatagong kuwento at misteryo dito. Ang Ilocos ay naging sentro ng kalaklan sa pagitan ng mga Pilipino at Intsik. Pinamunuan ng Espanyol ng mahabang panahon at tinirhan ng mga Espanyol noong panahon ng Manila Acapulco Trade. Ang (Paoay Lake, Ilocos Norte) (Bangui Windmills, Ilocos Norte) (Kapurpurawan Rock Formation, Ilocos Norte) ) (Baluarte Zoo, Ilocos Sur) mga nakaraang pangyayari na ito ay nagpakita ng karahasan, diskriminasyon at pangaabuso sa mga Pilipino. Bukod sa mga subenir, panibagong karanasan at alaala, may mga pagtatanto ang naiwan sakin. Mananatiling malaking bakas ng nakaraan ang Ilocos. Maaring nag deklara na malaya na ang Pilipinas ngunit ang Ilocos ay isang paalala sa bawat Pilipino na hindi pa natin nakakamit ang hinhingi nating kalayaan. Habang mas inaaral, sinusuportahan at minamahal natin ang kultura ng dayuhan kaysa sa atin, unti-unti nating pinapatay ang ating bayan. Hindi masama ang tanggapin, tangkilikin at mahalin ang lahat sa dayuhan, huwag lang sana nating kalimutan gawin din ang mga ito sa sarili nating bayan upang hindi tayo maging dayuhan sa sarili nating bayan at manatiling anino ng kung sino man.

Comments

Popular Posts