Baguio ni Alyssa Bunag
Baguio
ni Alyssa Bunag
Ang Baguio ang pinaka-paborito kong
lugar dito sa Luzon. Ang Baguio ay isang malamig na lugar na naka-pagitna sa
mga bundok. Ito ay banyag sa tawag na “Summer Capital of the Philippines” dahil
tuwing summer ay maraming nagpupunta dito dahil sa malamig nitong klima. Ang
mga tao sa Baguio ay mababait at mga pala kaibigan.
Ikaw
ba ay malungkot? broken-hearted? sawi o iniwan? maraming iniisip? Tara’t
magpunta na sa Baguio, dahil sa Baguio marami kang maiisip at makakapag soul
searching ka. Ang Baguio ay moderno na rin parang Maynila na pero iba pa rin
ang pakiramdam pag nasa Baguio ka. Mura ang bilihin dito lalo na doon sa
tinatawag nilang “Night Market” kung saan iba’t ibang uri ng damit, sapatos
pati na rin pagkain ang makikita mo doon. Madami rin pwedeng puntahan sa Baguio
katulad ng Burnham Park, Mines View Park, Good Shepherd, The Mansion, Wright
Park, Botinical Garden, White House, Diplomat Hotel, Camp John Hay, PMA,
Strawberry Farm, Bell Church, Our Lady of Lourdes, Baguio Cathedral at madami
pang iba.
Ang
Baguio ang pinaka-paborito kong lugar dahil tuwing nagpupunta ako dito ang
daming ko naiisip at piling ko ako ay malaya sa aking sarili. At isa pa kaya ko
paborito ang Baguio dahil madaming masasarap na kainan ang pwede mong matikman
dito. Madami rin pwedeng gawin sa baguio bukod sa paghahanap ng sarili, pwede
ka rin mamasyal kasama ang iyong pamilya, mamundok, mag-adventure at madami
pang iba. Madami na ring mga foreigners ang mga nakatira at dumadayo sa Baguio
katulad ng mga Korean, Chinese, American, Indian, at iba pa.


Comments
Post a Comment