Balibol ni Don Owen Nilo
Balibol
Ni:
Don Owen Nilo
Hinding-hindi ko
makakalimutan ang karanasan ko bilang isang manlalaro ng balibol sa aming
paaralan. Nagsimula akong maglaro nito noong ako’y nasa ika-apat na baitang
dahil sa nawalan ako ng posisyon sa Chess kung kaya’t ako’y napilitang sumali
na lamang sa balibol na kung saan ako ay walang kaalam-alam sa isport na ito.
Nang ako ay
tumungtong na sa mataas na paaralan, ay aking pinagpatuloy ang paglalaro nito. Kahit
na kakaunti lamang ang aking kaalaman sa laro na ito, ay ako’y sumubok na
magtry-out sa aming paaralan, at upang pandagdag na din sa extra-curricular. Ako
man ay natanggap, ngunit parang di ako makapaniwala dahil syempre, ako ay isang
baguhan lamang. Habang tumatagal ay mas lalong lumalim ang aking pagkahumali sa
laro na ito. Ngunit sa paglalim ng aking
relasyon sa balibol, dito ay may mga
pagsubok din na aking kailangang lampasan bilang isang manlalaro. Una, ay ang
diskriminasyon ng mga tao sa pagiging balibolista ko, na pang babae lamang ang
laro na ito na umabot na sa punto na pati ang aking mga magulang ay gusto na
akong patigilin na maglaro. Pangalawa ay ang kakulangan ng suporta ng aming
paaralan,katulad ng ating gobyerno na kung saan ay ikaw ay naghihirap sa
kakabayad ng tax ay tila walang bumabalik sayo. Pangatlo, ay ang pang-aapi ng aming mga kapwa mag-aaral na
parang mga dayuhan na ang tingin nila ay mas mataas sila kaysa sa iyo. At ang
huli ay ang pagsuko sa labanan ng aking mga kasamahan, na tila sila ay nawalan
ng kagustuhan sa paglalaro na umabot sa punto na mula sa labing-dalawa na
koponan ay tatlo na lamang ang pumupunta sa pageensayo.
Oo balibol lamang
ito, wala kang mararating sa larangan na ito, ngunit ito ay nagbibigay ng saya
sa aking buhay, kung paano nito tinutulungan ako na lumaban lang ng lumaban at
matuto sa bawat hakbang na aking tinatahak. Mahirap isipin na buong buhay ko ay
hindi pa ako nakalasap ng kampyonato, sa hirap na aking mga pinagdaanan, sa
bawat pagsubok na aking pilit na nilalagpasan ay kahit ganun man ang nangyari
sa aking karera bilang isang atleta ay hindi ko ititigil ang paglalaro nito. Sa
bawat hampas ng bola na aking nailulusot mula sa mga kamay ng aking mga
kalaban, sa bawat pagsalba ng bola upang ito ay umangat ay nagbibigay sakin ng
senyales na huwag akong susuko sa aking mga pangarap, hindi man ako magiging tanyag
sa larangan na ito ay ang mahalaga, ito’y nagbibigay kasiyahan sa akin. Ano
mang sabihin ng iba ito’y aking paninindigan, patuloy na lalaruin at patuloy na
lalaban hanggang sa ako’y tatanda


Comments
Post a Comment