Bes…Miss mo n@ ba si Marc0s? ni Zedric Bisenio
Bes…Miss mo n@ ba si Marc0s?
ni Zedric Bisenio
Aminin
natin – nakakawalang gana talakayan ang politika tulad ng mga jokes ni Tito Sotto at
kontraktuwalisasyon sa samabayanang Pilipino na kung saan ang konsepto nito ay hindi
nakatatak sa puso’t isip ng mga tao dahil sa pagmamalakad nito ng mga kurakot na
laging lumalabag sa batas, sumisingot ng shabu mula sa Bilibid at ng mga iba
pang klase na Gobyerno. Sa halip, mas gusto pa natin pag-usapan ang mga tsismis
ni Bimby na kinagat ng langgam at lamok sa kanyang eskwela at mas lalo natin
gustong pag-usapan ang weightlifting habits ni Kuya Josh. Ngunit
pag-pinagusapan natin ang pangalang “Marcos” sa kontexto ng mamamayang Pilipino
para lang din natin pinag-usapan ang mga alamat na nakakatapat sa mitolohiya ni
Hitler o ni Kennedy. Nagiging alamat ang mga kwento ni Ferdinand Marcos sa mga
pilipinong nasawa na sa mga paglipas ng administrasyon nina Arroyo o ni Aquino
na kung saan naniwala sila na mas maganda ang kalagayan ng mga Pilipino sa
panahon na may disiplina tulad ng mga curfews
at police patrols, mababa ang
krimen dahil sa introduksyon ng Death
Penalty sa pamamagitan ng Lethal Injection, madaming gusali tulad ng PICC at
mas mababa ang presyo ng bilihin sa ilalim ng the greatest president that we never had. Sa madaling salita – Marcos pa rin mga ulol. Magaling nga, pero parang sinabihan mong
astig at magaling ang isang taong nahuli mong ninanakaw ang gamit mo pagkatapos
bantanan ng misis mo sa sarili mong kuwarto at biglang nakatakas sa bintana na
mapasabi ka ng “S***, ang galing nun, ha!”. Ang tanong – Kaninong
perspektibo nanggaling ang ganitong naratibo? Bayani naman si Marcos base sa kanyang
ginawa niya diba? Waw, Meyn nakakalito noh? Mahirap isipin na nakatira tayo sa
panahon na madali tayong nadala sa Historical Revisionism na kung saan naging
proseso ito na ang kapangyarihan ng isang estado ay kakayahan na ibahin kung
ano ang katotohanan sa kasaysayan. Gayunpaman, namiss na ba ng madla si marcos at pinatawad na ba ng bayan sa kanyang
mga kasalanan laban sa sanlibutan? Kung ganoon ang tanong, subukan natin
tingnan ang perspektibo sa panahon ni Marcos hindi sa mga Historical textbooks
na nabasa mo noong elementarya o sa mga experto sa larangan ng Kasaysayan at sa
mga gobyerno na may hegemony sa mga
naratibo ng kasaysayan kundi sa mga ordinaryong tao na sumama sa rally ng ’86,
sa mga pilipino na nasa edad ng 45 pataas na may sikolohikal na sakit dulot ng
torture methods mula sa Martial Law at sa mga mangmang na nagbebenta ng yosi sa
Espana. Baka masabi mo rin sa sarili mo- “S***,
ang galing nun, ha!”.


Comments
Post a Comment