BIYAHENG BARKADA ni Angelica Marie S. Revilla

BIYAHENG BARKADA
ni Angelica Marie S. Revilla

Madalas na mapagsabihan ako ng nanay ko dahil sa pagiging masyadong mapagbigay ko sa oras pag dating sa aking barkada na para bang takot na takot daw ako mapagiwanan sa saya.
Bata pa lang ako ay talagang malapit na ako sa aking mga kaibigan dahil sa nag iisa lang naman akong anak kaya marami na ang napagsamahan namin magbabarkada at nagiging mahalaga na ang isa't-isa saamin bilang parte ng kanya kanya naming buhay.
Isa sa mahahalagang ala-alang maisasabuhay ng isang babae ay ang kanyang debut o ang kanyang ika-labingwalong kaarawan. Kaya naman ng isa sa aking pinaka malapit na kaibigan ang nag imbita sa kanyang debut ay talagang hindi ko pinalampas, kahit na mangyaring may pasok ako ng kinabukasan. Kaya naman hindi ako nagsisi nang ang naging kinalabasan ng karanasang iyon ay isa sa pinaka masasayang araw sa buhay ko.
Ika-30 ng Abril hanggang ika-1 ng Mayo ang aming paglakbay, iyon din ang unang beses na umalis kami mag babarkada sa labas ng siyudad at nang nakumpleto kami makalipas ang ilang buwan matapos namin magkahiwalay noong graduation.
Maaga kami umalis mula Las PiƱas papuntang Mabalacat, Pampanga at gaya ng mga kadalasang paglalakbah ng mag babarkada, biyahe pa lang ay inulan na ng kasiyahan.
 Nang makarating na kami sa Pampanga, lahat naman kami ay napapahinga sa pagkkwentuhan nang napansin namin ang mga magagandang tanawin na aming nadadanan tulad ng eksena sa bundok ng Arayat. Syempre, hindi nawala ang walang katapusang photoshoot namin sa mga nakakamanghang tanawin.
Matapos ang pagdiriwang sa debut ay nagawa pa naming maitakas ang sasakyan ng aming kaibigan at maglibot sa purok ng Mabalacat.
 Kakaiba ang saya ang aming naranasan nang gabing iyon dahil nadama namin ang kapayapaan ng probinsya. Nagawa naming makita ang mga kisap ng bituin dahil sa pagliban ng aming nakasanayang mga ilaw sa lungsod.
Kinabukasan ay bumiyahe naman kami papuntang Clark, Pampanga. Binisita namin ang isa sa pinakamagagandang pasyalan na ang Fontana Waterpark. Araw ng mga Manggagawa noong araw na iyon kaya na doble ang aming pag bayad sa entrance fee, kaya naman pag dating na sa biyahe namin pauwi ay kinulang na ang ilan saamin sa pagkain ng hapunan.

Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng ating pinagkakaablahan ay ang tanging mahalaga ay ang mga kasama natin sumaksi sa pag tahak natin sa buhay.

Comments

Popular Posts