Destinasyon: Bago sa aming paningin ni Jasmine Villanueva
Destinasyon: Bago sa
aming paningin
ni Jasmine Villanueva
Ang pinakapaboritong panahon ng mga
estudyante na tulad ko ay ang tag-init. Ito ang panahon kung saan ikaw ay
magpapahinga, kakain at walang dapat gawin na pang-akademiko, ngunit gawaing
bahay lamang. Ang panahon narin ito ang naguudyok saming mga kabataan na
makaranas ng masaya at di makakalimutan na lakad. Halimbawa na lamang ang
pagpunta naming ng aking mga kaibigan sa isang dalampasigan. Maraming proseso
ang pagpaplano sa isang lakad lalo na kung ikaw ang inaasahan na magpasimula ng
plano at makipagusap sa lahat.
Ang pagpaplano ng isang lakad ay parang
pagguhit sa isang papel, kung ito ay hahaluan mo ng kulay ay maganda.
Nagsisimula na kaming gumuhit ng bagong karanasan ang destinasyon namin ay sa Calatagan,
Batangas. Ang byahe papunta roon ay 2 oras mula sa Cavite, umarkila kami ng
sasakyan na gagamitin namin papunta. Pahirapan ang pag-arkila ng sasakyan dahil
sa nakakabigat sa bulsa na presyo, ang tatlong araw at dalawang gabi ay
katumbas ng pitong libo dahil malayo ang aming destinasyon at dagdag narin ng
limang daan pang-kain ng drayber. Pito kaming magkakaibigan ang pupunta sa
Batangas ng walang kasamang matanda kundi ang drayber lamang. Napakatapang
naming sumabak palabas ng aming comfort
zone, dahil kung noon sa mga fieldtrip na kasama ang aming mga magulang
lamang kami nakakaranas na makapunta sa mgagandang lugar, ngunit ngayon kami
nalang ang magkakasama. Habang bumabiyahe na kami papunta ng Batangas ay
kinukulayan na naming ang iginuhit naming plano. Napaka ganda ng mga tanawin
papunta sa Batangas, makikita ang matataas na puno na tinatakpan ang araw, mga
taong nagbebenta ng mga prutas at makikitang malinis ang kapaligiran. At ito na
nakarating na kami sa Calatagan, Batangas. Isang bahay ang tinuluyan namin,
bago pumunta sa dalampasigan ay namili muna ng mga pagkain sa palengke. Napaka
sariwa ng mga ibinebenta sa palengke alam mong bagong huli pa sa mga dagat at
kung ang iba ay mga bagong pitas na prutas at gulay. Nagluto muna ng bangus at
tilapia na may kasama pakwan at manga na napakatamis. Naglalakad na kami
papunta sa dalampasigan na ang tawag ay Burot beach, may bayad na singkwenta pesos. It’s more fun in the Philippines ika nga, napaka ganda sa Burot
beach, makikita ang tirik na araw na hahalik sa katawan, ang mga alon na
yayakap samin at puting buhangin na aming hihigaan. Asul na asul ang tubig
talaga ngang magagayak kang lumangoy agad kasama ng ibang mga naliligo. Habang
nakababad sa tirik ng araw at maalat na tubig wala kang maririnig na busina ng
mga sasakyan, walang masangsang na amoy at walang maitim na usok. Matapos
lumangoy at sumakay sa isang Bangka, nagbayad ng isang daang piso ang
destinasyon ay sa isang sand bar.
Habang nakasakay sa Bangka ay lalong yumayakap ang alon, lumalayo sa maraming
tao at makakasulyap na naman ng bago sa aming mga mata. Sa sand bar para kaming nasa gitna ng dagat, napakalinaw ng tubig
makikita ang mga starfish at ilang mga isda. Kumukuha kami ng maraming litrato
upang may alaala kaming iuwi. Matapos makarating ng sand bar at bumalik sa
malapit sa dagat ay palubog na ang araw. Napaka ganda ng langit! Pinagsama-sama
ang kulay kahel, dilaw, lila at rosas ngayon na lamang namin naranasan na
makitang lumubog ang araw na tila ba hawak kamay mo na at parang nasa paraiso.
Pagsapit ng gabi ay nagsindi na ang mga apoy at bumuo ng kanya kanyang bilog.
Habang lumalalim ang gabi, lumalalim din ang kwentuhan. Matapos na ang ilang
araw ay pauwi na ulit kami sa Cavite.
Talaga nga namang napaka yaman ng
Pilipinas sa magagandang lugar. Ang realisasyon naming sa aming napuntahan ay
kami ay maswerte dahil sa aming edad ay nakarating na kami sa ganoong kalayo na
lugar. Sa una ay akala namin ay hindi matutuloy ngunit dahil sa kagustuhan
namin na makakita ng bago sa ming paningin ay nagkaroon na kami ng inaasam na
bagong karansan. Maari na kaming mga kabataan ay mapusok pero kasama rin ito sa
proseso ng aming buhay at hindi lamang kami umaalis dahil gusto namin kundi
makabuluhan din ang basihan namin. Ito rin ay pagpapakita namin na
ipinagmamalaki at niyayakap namin ang mga lugar at kultura dito sa Pilipinas.
“Kabataan ang pag-asa ng Bayan” ika nga, kaming mga kabataan ay maari rin
magsilbing magandang ihemplo sa ibang tao dahil ang mga karansan namin ay
binubukas ang aming isipan sa pagharap sa mundo, mas naipapahayag na namin ang
aming nararamdaman na pwede naming ibahagi upang makapag-ambag ng kaalaman sa
iba.


Comments
Post a Comment