Imahe ng Rebulto ni Rizal, Paglalakbay ni Mia Sarmiento

FILIPINO TRAVEL ESSAY: Imahe ng Rebulto ni Rizal, Paglalakbay
              












            Ang paglalakbay para saakin ay hindi nakasukat sa lapit o layo ng mga lugar na iyong napuntahan o sa kagandahan at kasikatan ng lugar na iyon. Masusukat mo ito sa iyong mga naranasan doon at kung saan ka nadala ng paglalakbay mo. At ang paguusapan namin ngayon ay tungkol Tinalakay sa isa sa aming mga leksyon ang tungkol sa isang litrato tungkol sa isa nating bayani na nasa Rizal Park. Ngunit bago noon masasabi ko bang dumaan na ako sa mga lugar o park dito na malapit. Akin namang masasabi na naglakbay na ako sa mga lugar na iyon. Noong sumali kami sa prosisyon ng nazareno, ng dumaan ang Pope sa pilipinas at naglakad kami upang makita siya, nang mga gumawa kami ng mga proyekto sa iskwela, at nang minsan na nadaanan ito ng among sasakyan. Ngunit tsaka lamang tumatak sa akin isipan ang rebulto ni Jose Rizal, noong tinalakay sa aming klase ang tungkol sa larawan ng rebulto ni Jose Rizal. May mga taong kumuha ng litrato ng rebulto ni Rizal, maayos naman ito at kita nga si Rizal. Ngunit ang tila sumira sa litrato na ito ay ang nakikita ang isang mataas na building sa likuran. Pagkapost sa FB ay nakakuha ito ng madaming kritiko at reaksyon sa mga mamamayan. Dito lumabas ang mga sari saring opinyon ng masa o ang iba na nakisama lamang sa sinasabi ng karamihan. Nakikita dito ang malakas na kapangyarihan ng paggamit ng sosyal midya at internet.

         Isiniwalat ng aming guro ang kanyang opinyon sa pangyayari na ito. Ang kanyang opinyon ay bakit nila sinasabi ang mga bagay na ito ng ang pagkabuo ng building na iyan ay mas nakakatulong pa sa mga mamamayang Pilipino. Kaysa sa isang perpektong larawan na nasira ng konting imperpeksyon. Ngunit hindi naman ibig sabihin na ito ay minamaliit ko ang importansya ng pagalaga sa kultural na pamana ng ating bayani. Akin lamang ipinapahiwatig ang aking opinyon tungkol sa isyu na ito. Mabuti at importante na ating pahalagahan ang mga alaala ng ating mga bayani. Nakakatuwa nga na nagbibigay ng reaksyon ang mga tao dito na gusto nilang protektahan ang imahe ng ating bayani na si Jose Rizal. Hindi naman natin maikakaila na mahirap pigilan ang pagunlad at paglago ng iba pang mga gusali sa hinaharap. Daratng ang panahon na mas darami ang mga gusali diyan. Ngunit hindi ko din naman masasabi na pareho ang aking opinyon sa lahat. Para saakin naman, tila totoo na mas maganda kung mabigyan ng pagkakataon ang Pilipinas na mas umunlad pa kaysa na walang nangyari para sa ating bansa. Tila nabuksan ang aking isipan na bilang isang mamayan ng Pilipinas kailangan ko ding magkaroon ng kaaalaman. At minsan mas mabibigyan pagiintindi pa iyon pag atin na itong nalakbay o nadaanan. Sa bawat paglalakbay maaring mayroon tayong matutunan, o tila maging isang magandang alaala lamang mula sa magandang lugar na dinaanan.

Comments

Popular Posts