Kontratktwalisyon ni Riva Caragdag
Kontratktwalisyon
ni Riva Caragdag
Ang
kontraktwalisasyon ay ang ginagawa ng mga amo sa kanilang manggagawa kung saan
sila ay nagbibigay ng kontrata sa kanilang manggagawa na naglalahad na sila ay
magtatrabaho para sa kanila sa loob ng anim na buwan. Ngunit ito ay hindi
maganda para sa mga manggagawa dahil sila ay mawawalan ng trabaho at
mahihirapan nanaman maghanap ng panibagong hanap buhay.
Ang
kontraktwalisasyon ay isang problema na hinaharap ng mga manggagawa sa ating
bansa sa kasalukuyang panahon dahil sila ay nahihirapan sa paghahanap buhay.
Ang pinakanaaapektuhan sa kontraktwalisasyon ay ang mga bagong tapos ng
kolehiyo. Dahil sila ay wala pang karanasan sa pagtatrabaho, hindi sila agad
agad magkakaroon ng trabaho. Sila na ay nahihirapan at kung kailan sila ay
magkakaroon ng trabaho, ito pa ay hindi permanente dahil sa kontraktwalisasyon.
Ayon sa PSA (Philippine Statistics Authority), Mahigit isang
milyong Pilipinong manggagawa ay walang regular na posisyon sa kanilang mga
kompanya noong taong 2014. Base sa kanilang pananaliksik tungkol sa Non-Regular workers, inilalahad
doon na 1. 336 milyon na manggagawa ang hindi regular.
Dahil laganap ang kontraktwalisasyon sa ating bansa, mas
dumadami ang mga mamamayan na walang hanap buhay. Kung patuloy ang pagkalaganap
ng kontraktwalisasyon, mas dadami ang mga walang trabaho at magiging mas
laganap ang kahirapan sa ating bansa.


Comments
Post a Comment