LUMA NA NGUNIT HINDI PA RIN NALULUMA ni Patricia Astudillo
LUMA NA NGUNIT HINDI PA RIN NALULUMA
ni Patricia Astudillo
Alam
kong sanay na kayo sa usapang Marcos kaya’t paumanhin kung sila ay mababanggit
ko nanaman sa sakaysay na aking gagawin pero, tanong ko lamang, Nakapunta ka na
ba ng Ilocos Norte o kaya sa Ilocos Sur? Aking masasabi na maganda ang
pamamalakad nila dito sapagkat napapanatili ng Ilocos ang kagamdahan nito, at
kahit ang Ilocos ay luma na, hindi pa rin ito naluluma, tila ay napaka ganda pa
rin nito at pinupuntahan ng sobrang raming tao tuwing bakasyon na. Aba! May
maganda naman palang nagawa ang mga Marcos? Natawa ka no? O siya,bakakasawang
banggitin ang mga pangalan nila kung kaya’t tayo ay mag pokus sa Ilocos at sa
Ilocos lamang — kung gaano kaganda ang Ilocos.
Matagal
na akong pumunta doon – siguro mga apat na taon na din ang nakakalipas simula
noong pumunta ako doon, ngunt sa maniwala ka o sa hindi, alalang alala ko pa
din ang lahat ng aking nakita sa nasabing lugar, simulan natin ito sa byahe, hindi
kami nageriplano nun sa kadahilanan na uto ay mas may kamahalan sa presyo kung
kaya’t ang ginamit namin papunta don ay isang van, tumagal ang byahe ng mahigit
sa walong iras bago namin makita ang unang lugar na binabaan namin – ang
Patapat Viaduct (ito ay isang tulay sa Pagudpod, Ilocos Norte na madadaanan
mo). Mga bandang ala-singko ng umaga noon kami ay makarating doon sa tulay kung
kaya’t nasilayaan din namin ang pagsikat ng araw doon. Sino ba ang makakalimot
sa Calle Crisologo ng Ilocos Sur? Noong nakapunta ako dito, namangha ako
sapagkat doon ko nakita ang kagandahan ng isang lugar na napaglumaan na. Ito
rin ang pinaka fdinadayo ng mga turista nang dahil sa kagandahang taglay ng
kalyeng ito. Makakalimutan din ba natin ang mga windmills sa Ilocos! Ito ang
kadalsang ginagamit sa mga larawang nag r r espresenta ng lugar na iyong kaya
impossibleng hindi mo alam ang mga ito. Ang masasarap ng pagkain ng Ilocos na
empanada at longganisa, oh diba! Pilipinong Pilipino!
Noong
ako ay bata pa lamang, akala ko sa internet ko na lamang makikita ang dating
anyo ng bansang aking kinakakihan, ngunit noong ako ay nagtungo sa Ilocos,
nakita ko ang akala kong hindi ko na makikita at ito ay napakaganda. Sabi nga
nila, bago ka pumunta at libutin ang ibang bansa, libutin mo muna ang sarili
mong lupa, ang Pilipinas – sapagkat marami kang makikitang maganda rito at
magugulat ka na sa atin pala ang mga ito. Isa lamang ang napatunayan ko noong
ako ay pumunta ng Ilocos, tunay ngang ang luma ay hindi pa rin naluluma. Kaya
kung di pa kayo nakakapunta ng Ilocos? Ito na, bakasyon na, baka gusto niyong
magtanaw sa nakaraan, Ilocos ang puntahan.


Comments
Post a Comment