Makulay na Lugar ni Trizia Oliver
Makulay
na Lugar
ni Trizia Oliver
Limang taon na
nakalipas, nagpunta kami sa Hong Kong noong bakasyon. Madaling araw na ngunit
hindi ko pa rin maipikit ang aking mga mata dahil ang aking pamilya, kasama ang
aking mga kamag-anak, ay nagaganyak upang pumunta doon kahit na kami ay naroon
lamang ng tatlong araw. Kami ay naglibot sa mga kaakit-akit na lugar. Sa aming unang araw doon, ginugol namin at
nagpalipas oras kamiang sa aming bahay-tuluyan at namili. Sa panahon ng aming pagpasyal
sa Victoria Harbor, nakaramdam malakas na simoy ng dagat. Nakita namin ang
Central Plaza, ang pinakamataas na gusali ng Hong Kong na nasa kabila lamang ng
aming kinalulugaran. May mga istatwa nina Bruce Lee, Jackie Chan na kay sarap
titigan kasabay ng palubog na araw. Sa gabi, kami ay nagpunta sa Kowloon,
kilala ito bilang isa sa mga sikat na street night market. Matatagpuan sa lugar
na ito ang iba’t ibang tindahan na mumurahin ngunit ang mga binebenta ay
matibay at maganda.
Sa ikalawang araw ng
aming pagbisita, pinuntahan naming ang pinakatampok na lugar sa hongkong, ang
Disneyland. Ito ay sinadyang itayo upang maging isang lugar para sa mga
kabataan at mga matatanda na gustong magpakasaya. Isang lugar kung saan ang
pangarap ay nagiging totoo. Dahil ako ay bata pa lamang noon, ang aking isip ay
napuno ng mga pangitain nina mickey mouse at lahat ng kanyang kaibigan. Ngunit
sa kabila ng lahat ng aking pagsasaya, may isang bagay akong napapansin habang
kami ay namamasyal sa lugar na iyon. Halos lahat ng aming nakakasalubong ay
tumitingin sa amin, naisip ko kung dahil ba ito sa pagiging sabik at ganyak
naming makapunta roon o dahil ba kami ay naiiba sa mga taong naroon. Simula
noon palagi na akong nagiingat sa aking mga kilos at gawain. Bago matapos ang
araw kami ay nagpunta sa Ngong Ping upang makasakay sa crystal cable car.
Habang kami ay nagaantay iba’t ibang tao ang aming nakakasalamuha. May mga
Koreano, Indiano at iba pa. Nang umusad na ang pila may mga nakasakay sa loob
na balot na balot ang kanilang katawan ng kanilang damit na tila sila ay lamig
na lamig, ngunit hindi pa sila makakaandar sa kadahilanan na kulang pa ang
pasahero, subalit, ang nakasunod sa pila ay tumangging sumakay rito. Ako ay
muling napaisip kung ano ang rason ng kanyang pagtanggi, kung sila ba ay may
iba pang kasama o sadyang ayaw lang nilang makasabay ang iba.
Ngunit sa kabila ng
lahat, nabuksan ang aking mata dahil sa aking pagpunta. Nabuksan sa katotohanan
na kahit tayo ay ginawa ng iisang tao at ang lahat ay nanggaling sa lupa, iba
iba pa rin ang tingin sa isa’t isa. Kahit
na ang huling araw namin dito ay oras lamang para sa paghahanda ng gamit, ako
ay naganyak pa rin dahil kami ay babalik na sa lugar na walang karimlan,
tahimik sa mga salitang nanggaling sa mangmang. Sa lugar kung saan komportable
ako sa mga kilos ko. Malayo sa karimlan at muling babalik sa makulay na lugar ngunit
walang mas matingkad na kulay.


Comments
Post a Comment