Nanay
PICTORIAL
ESSAY
“Nanay”
Habang nagsisilbing Inhinyero ang Tatay ko, na nagpapatibay't
naglalatag ng pundasyon. Mistulang Arkitekto naman si Nanay, ang nagpaplano at
nagpapaganda ng gusaling kahit alam kong pangit at wasak ang panlabas na kaanyuan
ay patuloy pa ring nagtitiis't pinapaniwalaang gaganda at maayos din ito. Patuloy
niyang inaayos ang magulo nitong kaanyuan, ang madumi nitong mga pader, at ang
basag na bintana. Palagi niyang nakikita ang karikitan ng gusali.
May mga araw na ako’y natatakot at mag
isa, at siya’y pupunta at sasamahan ako upag matanggal ang aking kaba. Kapag
may problema akong pinagdadaanan, handa siyang making at ang kanyang oras ay
nilalaan. Ina, hindi ka lamang nagsilbing taga gabay, taga luto at taga saway.
Ikaw ay isang naging matalik na kaibigan. Ilaw ng tahanan, ika’y laging nasa
puso’t isipan.
Madalas, magulo at nakakapagod ang
paglaki. Nakakahilo ang mga pasikot-sikot na mga pagsubok at nakakangalay ang
bigat ng bukas. At tuwing nararamdaman ko na nawawala na ako, titignan ko lang ang aking nanay at nakauwi na ako. Siya
ang tanging pahinga sa kapaguran, ang katahimikan sa kaingayan. Ang aking
therapist na mas magaling sa kahit sinong doktor.
Daig pa niya ang isang comedian dahil
kahit ang pinakamalulungkot at madidilim na araw ay kaya niyang mapasaya. Ang
iyak at sakit ay kaya niyang palitan ng ngiti at tawa.
Hinihiling
na sa bawat paguwi ko ay nariyan ang kaisa-isang taong kailanmay hindi
pumapalyang salubungin ako ng kaniyang mga ngiti.

Tinuruan niya kong sumulat, magbasa,
lumakad, makipaghalubilo, makipagkaibigan, maging mabuting tao, at iba pa. Pero
higit pa sa lahat, tinuruan niya kong maging anak ng Diyos katulad niya. Naging
pundasyon niya ang pananampalataya sa kanyang pagmamahal at pag-aaruga. Wala na
'kong mahihiling pa.
Tinuruan
niya akong magbilang –
Bilangin
ang mga kasiyahan kaysa ang mga paghihirap
Tinuruan
niya akong magbasa –
Basahin
ang kinabukasan kaysa ang nakaraan
Tinuruan
niya akong magsalita –
Sabihin
ang “mahal kita” kaysa magmura
Tinuruan
niya akong magsulat
Isulat
ang aking storya kaysa gayahin ang iba
Siya
ang aking guro – ang ilaw ng aming tahanan
Almodovar, Ella
Boiser, Abbygail Jasmine
de Guzman, Kristen Jaye
Escalante, Eleanor
Tamboon, Jed Brian
Tiglao, Gay Marie
Oliver, Trizia Mari








Comments
Post a Comment