PAG-UWI

Gonzales, Joyce                                               Lapid, Gabriel                          Manalo, Patricia
Gueco, Christine                                  Lopez-Vito, Janriza                 Rufino, Leila                          
Guevarra, John Andrew                                   Magtanong, Kym                     Santos, Faith
11HUMSS6

PAG-UWI



Matapos ang isang nakakapagod na araw, ikaw ang ninanais-nais. Mapanghimok. Mapanghalina. Para bang hinihila mo ako patungo sa'yo.


 
Tanging apat na sulok ng isang kwarto ang bumubungad matapos ang isang mahabang araw. Tanging ito ang kinakapitan pagkat nalalayo sa tahanang pinanggalingan.




 
Ako'y nakikitira sa isang bahay na nagmimistulang tahanan na inaalagaan ng mga madre. Ako'y isang estudyante sa araw at kahit sa gabi -- walang ginagawang iba pang responsibilidad.




Pag uwi ko galing sa unibersidad ako ay agad na pumapasok sa isang lugar na maituturing na saksi sa lahat ng aking paghihirap sa aking pagaaral. Silid kung saan ako ay napagiisa. Pook na sumisimbolo sa aking kalayaan. Pook na kahit balibaliktarin ko ay mananatili akong mag aaral sa loob man o sa labas ng bahay.





Mahabang oras ang ginugugol sa paaralan upang mag-aral kaya naman pagdating ng oras na ako ay umuuwi sa aking tinutuluyang condo ay natutuwa ako sapagkat mag-isa lang ako. Nakakapagpahinga ako at nagiging totoo sa sarili dahil wala akong kailangang i-please. Naka malaking tshirt, shorts at tsinelas. Simpleng babae, iyan ako sa tuwing ako ay nasa aking condo.







Kukuhanin ang earphones, makikinig sa musika. Pampakalma. Matapos ang isang mahaba't nakapapagod na araw, iba ang kapayapaang dala ng mga kanta.



Mapapaupo ka na lang sa isang puting silya habang dinadama ang preskong hangin. Masarap, malamig, at mapapaisip ka ng mga nagawa mong hindi mo akalain ngayong araw. Ito ang maestro ng aking buhay, nagbibigay ng ligaya, habang tinutugtog ang instrumento sa pang araw-araw na pamumuhay.







Isang mabuting anak, kapatid at kapamilya. Nag-aaral ng mabuti upang ipagmalaki ng magulang.






Nakakatawa. Nakakahiya. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito. Ikaw ang nagbigay buhay sa akin. Ngunit bakit aalagaan ka ay hindi ko magawa?

Comments

Popular Posts