“Rizal Park atm” ni Jerica Bunales
|
![]() |
Luneta Park. Ano nga ba ang makikita sa Luneta Park?
Noong nakaraang linggo, ako at ang
aking mga kaibigan ay pumunta sa Luneta Park sa may Ermita, Manila upang mag
obserba ng lugar at mga tao para sa aming PeTa. Ang Luneta Park na tinatawag
din na Rizal Park dahil dito binaril ang ating Pambansang Bayani na si Jose
Rizal at nandito ang kanyang bantayog. Maraming mga lugar na pwedeng puntahan
sa Luneta Park. Ang kailangan lang ay maghanda para sa mahabang lakaran at
mainit na panahon. Bukod sa monumento ng ating pambansang bayani, ano pa nga ba
ang pwedeng makita at mapuntahan sa Luneta Park?
Nandyan
ang mataas na statwa ni Lapu-lapu, ang Orchidarium kung saan makikita ang iba’t
ibang uri ng orchids at iba pang halaman, ang Japanese Garden, at ang
pinaka-unang interactive museum sa Pilipinas; ang Museo Pambata. Pwede rin
puntahan ang malaking mapa ng Pilipinas at ang Children’s playground kung saan
ang mga bata ay pwede maglaro sa mga Jurassic creatures. Malapit rin dito ang Intramuros
at National Museum. Siguradong mage-enjoy ka kahit sino man ang kasama.
Naging kontrobersyal ang gusaling
tinatayo na makikita sa likod kapag kinuhaan ng litrato ang nasabing monumento
na tinatawag rin na photobomber, ang Torre de Manila. Ito ay isang condominium
na mayroong 46 na palapag at sinimulan itong itayo noong 2012. Usap usapan sa
social media, lalong lalo na sa Facebook ang pagiging photobomber nito. May mga
nagsasabing sinisira nito ang view ng monumento ni Rizal kaya noong 2015, ipinatigil
ang pagtatayo rito. Ngunit noong April 25 2017, ipinahintulutan ang
pagpapatuloy sa pagbuo sa nasabing gusali.
Ayon sa National Historical Commission of the
Philippines, kung buhay man ang ating pambansang bayani, hindi magiging isyu sa
kanya ito. Samakatuwid, sinabi niya sa liham niya sa kanyang kapatid na ayaw niya
na luwalhatiin siya ng mga tao pag namatay siya. Ang gusto niya lamang ay isang
puntod o bakod. Pero kung iisipin, ano nga ba ang positibong maidudulot ng pagtatayo
ng sa gusaling ito sa ating lipunan?
Unang una, maraming tao ang mabibigyan ng trabaho.
Ayon sa Philippine Statistics Authority,
6.6% ng mga Pilipino ang walang trabaho o unemployed ngayong 2017.
Ang ganitong klase ng kompanya ay nangangailangan ng maraming empleyado.
Maraming tao at fresh graduates ang mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng
trabaho. Pero ano ang mas matimbang, ang ipagiba ang isang gusaling sumisira sa
imahe ng isang bayani na sa una palang ay ayaw na magkaroon ng kung ano meron
siya, o ang ipagpatuloy ang pagpapatayo sa gusali at maraming tao ang
mabibigyan ng trabaho?
Gayunpaman,
dapat nating pahalagahan ang kung ano ang meron tayo at yun ang mga historical
places na sumisimbolo sa ating nakaraan bilang isang Pilipino. Pero kung
dumating ang panahon na papipiliin tayo sa pagitan ng nakaraan at ng
kasalukuyan, kailangan natin pag-isipan ng mabuti. Iisa lang naman ang
pinaglalaban ng mga mamamayan noon hanggang sa ngayon— Kapayapaan.



Comments
Post a Comment