Saan nga ba tutungo? ni Duane Obani
Saan nga ba tutungo?
ni Duane Obani
Maaga kung umuwi, hinahabol
na maunahan ang pagkagat ng dilim hudyat na malapit na mag gabi. Ngunit sa
kagustuhan na maagang makauwi parang ako
pa ata’y aabutin pa ng gabi.
Miyerkules ng hapon nang ako
ay nagmadaling umuwi, walang pasok bukas, maraming panahon upang gumawa ng
peta, takdang aralin at marami pa. Ito ang simula ng akin paglalakbay mula sa
akin paaralan hanggang bahay. Umalis ako ng aking paaralan alasingko imedya ng
hapon kung saan marami na rin ang naguuwian. Maagang akong umalis umaasa na ako
ay makauwi ng maaga dahil sa dami ng
gagawin, gusto ko na itong maumpisahan agad. Naghintay ako ng sasakyan sa may
Espana, habang naghihintay ng masasakyan may itim akong natatanaw mula sa
malayo pa lamang ito nanggagaling sa tambutso ng isang dyip, ngunit hindi
kalaunan hindi lang pala ang dyip nay un ang ganun ang nilalabas na usok,
marami pala sila, napailing na lang ako. Hindi rin nag laon, may natanaw na
akong UV na may sign board “Buendia, PGH, Taft” ito na yung sasakyan ko. Nang
ako ay makasakay na medyo masikip pero ayos llang dahil rush hour talaga. Sa
pagsakay ko ng UV hindi pa natatapos ang kwento ko, nagsisimula pa lang. Bababa
ako ng Kalaw kung saan doon naman ang sakayan ng mga bus papunta sa amin. Kita
ko na ang monument ni Bonifacio sa tabi
ang isang gusali na may malaking orasan,saka ko napansin ang unti unting
pagbagal ng aking sinasakyan, kita ko ang mga kaganapan sa labas kung saan
maraming sasakyan na siksikan, kita ko rin ang mga sasakyan na wala sa kanilang
pila, ang mga sasakyan na nag oovertake sa isa kahit traffic na, at hindi
mawawala rito ang mga pasaway na motorist na siksik ng siksik kung saan saan,
at mga pampublikong sasakyan na kung saan saan lang nagbababa ng kanilang mga
pasahero, mayroon din na ayaw magbigayan – iilan lang lamang ito sa aking
nakita noong hapon na iyon na nagsanhi sa trapikong hindi ko inaasahan. Inabot ako ng halos sampung minute bago
makaalis sa lugar na iyon. Ayun na at kita ko na rin yung mga letrang R I Z A L
P A R K kung saan ako bababa. Bumaba ako at sakto marami ang naghihintay na bus
kaya nakasakay agad ako.
Yes! Makakappagpahinga ako,
medyo mahaba – habang byahe ito, mga isa’t kalahating oras hanggang dalawang
oras ang tansya ko nito, kung may traffic man o wala. Nakaupo ako sa bandang
gitnang bahagi ng bus, naghintay lang ng sandal at medyo mapupuno na ang bus,
ngunit umalis na rin agad ito. Habang ako ay na sa byahe ramdam ko talaga ng
bigat ng trapiko, hanggang sa dumami na ang tao sa loob ng bus, wala na ring
mauupuan kaya pinili na lang ng mga tao na tumayo, dahil tulad ko, gusto rin
nilang maaga makauwi. Umuusad naman ang daloy hanggang sa makarating na kami ng
Quirino Avenue, mas dumami ang sakay ng bus, mas sumikip ang kalsada, mas
bumigat din ang daloy ng trapiko, naisipan kong matulong muna para sa aking pag
gising malapit na ako sa sakayan papunta ng bahay labing pitong minuto na
makalipas ang ika-lima ng hapon.
Nagising ako, ika- anim at
dalawamput tatlo na ng gabi, umusan na ang bus pero andito pa rin kami sa kalye
ng Quirino avenue, aking sinilip kung anon a ang nangyayari sa labas, pag kita
ko, kulay berde ang stop light ngunit hindi kami umuusad, ito ay dahil sa
mahahabang sasakyan na dumaraan sa harap naming, kung saan traffic din sa
daraanan nila, at hindi pa rito natatapos, naka pula na yung stop light sa
daraanan nila ngunit mayroon pang mga drayber ng 10 wheeler truck na giniit pa
rin ang sasakyan at dumugtong pa sa ibang sasakyan na nagdulot ng trapiko, kaya
walang usad dahil sa mga ito, walang gustong magbigay o magparaya, tagalong
igigiit kahit alam na nakapula na ang stop light. Matagal pa ang paghintay
naming sa ganong sitwasysyon. Ramdam at dinig ko na ang buntong hininga ng mga
pasahero na nagsasaad na gusto ko nang umuwi, hanggang anong ba ito. Bakas sa
mukha nila ang pagkadismaya, ngunit wala naming magawa upang mapabilis an gamin
sinasakyan. Nangmakalagpas kami sa Quirino Avenue, may namuuo ring trapiko sa
Roxas Boulevard. Ika- pito at sampu na
ng gabi. Umuusad naman ngunit paunti
unti, mabuti na rin ito. Nakarating ako sa sakayan papunta sa amin ng ika- walo
at laming lima ng gabi, sumakay ako ng tricyle papunta sa bahay at nakarating
ako sa bahay ng ika- wala at dalawamput walo ng gabi.
Ang narasanan ko ng pauwi
ako ng bahay ay isa ring paghahalintulad sa atnig lipunan, ito ay sumasalamin
kung paano tayo makitungo, makipagkapwa tao, at sumasalamin ito sa kung paano
tayong mga Pilipino namumuhay. Sa simpleng bagay maaari itong maging komplikado
tulad sa aking kwento, ang ugat nito ang pagkawalang disiplina ng mga Pilipino,
lahat gusto ay mauna sa kanilang paroroonan na kahit regulasyon ay susuwayin
para lamang dito. Walang gustong magbigay sa daanan na nagresulta sa pagbabagal
ng usad ng trapiko na sumasalamin sa pagbagal ng pag asenso at pag usad ng
ating lipunan sa kung ano ang gusto natin para sa kanya. Ang kawalan ng
disiplina sa sarili, ang kawalan ng progreso ng lipunan.


Comments
Post a Comment