SALAMIN ni Princess Cruz
SALAMIN
ni Princess Cruz
Ako
si Princess, pero mas kilala akong si Ikay. Isa akong tao na mahilig gumala o
pumunta sa ibang lugar. Dahilan sa hindi ako mapakali sa isang lugar, gusto
kong mapuntahan ang iba’t ibang masasayang lugar. Pero mas masaya ang aking
lalakbayin na lugar kung kasama ko ang aking mga mahal sa buhay. Halika na at
pakinggan ang aking kwento.
Dahil
bakasyon noon, naisipan ng aking pamilya na magtungo sa Hong Kong. Lahat kami
ay talaga namang nasabik na makapunta sa ibang bansa. Kung tutuusin ito ang
pinaka unang beses namin na magtungo sa Hong Kong. Napili naming magpapamilya
na pumunta ng Hong Kong dahil maraming magandang tanawin, pwedeng gawin dito
kasama ang iyong pamilya, at madami din namang pumupuntang mga turista na
nagpupunta dito.
Nang
dahil sa pagkasabik namin, isang linggo kaming naghahanda ng aming gamit na
dadalhin sa Hong Kong. Nang sa gayon ay wala kaming makakalimutang gamit.
Syempre, hindi mawawala dapat ang Hong Kong Dollar, ang mga damit, sapatos,
sandals, jacket dahil malamig doon, cellphone, camera, charger, at higit sa
lahat, dapat bago ka pumunta ng Hong Kong, nakahanda na ang hotel na inyong
pagtutulugan.
Gabi
ang lipad namin noon patungo sa Hong Kong, pero maaga palang ay nagtungo sa
kami sa airport.
Ang
buong akala ko ay mabuburyo lamang ako sa loob ng airport sapagkat natuklasan
ko na tila parang nasa loob lamang ako ng mall.
Paghawak
ko pa lamang sa bintana ay nakita ko na agad ang sangkatutak na city lights ng
bansa, na tila parang ilaw ng mga kotse sa Pilipinas.
Bumaba
na kami at sumakay sa bus na mayroong dalawang palapag. Kamangha-mangha ang
sasakyan na ito, kaya't agad agad akong umakyat sa itaas nito at kaagad umupo.
Mahaba
haba ang biyahe namin, nang tila napansin ko kung gaano disiplinado ang mga tao
dito. Sumusunod sa mga patakaran, kung baba ka sa bus stop lang talaga sila nag
bababa at nag sasakay ng mga pasahero. Hindi tulad ng aking sariling bansa,
kung saan saan bumaba, kaya't napakatraffic kahit saang lugar ka man pumunta.
Sa
wakas at dumating narin kami sa hotel, at agad na akong nag pahinga dahil sa
pagod at puyat.
Kinabukasan
ay nag tungo kami sa Disneyland. Pagkatapak na pagkatapak ko ay sumalubong na
agad sa akin ang tirik ng araw, buti na lamang at ay dala akong sumbrero.
Kumuha
na agad kami ng mapa ng Disney Land at pinuntahan ang mga "extreme"
rides dito, dahil alas otso palang ng gabi ay agad nang mag sasara ang mga
rides.
Buti
na lamang ay marami kaming nasakyan na rides, ngunit mahaba lang talaga ang mga
pila na nakapag ubos ng oras namin dahil sa pag aantay, pero sa kabilang banda
naman, nasulit namin ang tanawin dito.
Huli
na ang lahat nang nadiskubre namin na mayroon palang tinatawag na "fast
pass" kung saan hindi mo na kakailanganin pang pumila, kaya nga lang hindi
namin ito masyadong nagamit nang kami ay naglilibot dito.
Kaya
ng kinagabihan, halos kaming magpapamilya ay pagod at uhaw sa kakaikot sa
Disneyland, buti na lamang at hindi pa tapos ang show dito. Napagpasyahan
naming abangan ang mga parada ng ibat-ibang karakter sa Disneyland, kung saan
ito ay punong puno ng ilaw at atraksyon.
Pagpatak
ng alas otso ng gabi ay nagsimula na ang parada, at agad naming nakita ang mga
makukulay na cartoon characters sa Disney channel kagaya na lamang ni Belle,
Thinkerbelle, Donald Duck, Mickey Mouse at marami pang iba na. Talaga namang
kitang kita sa dilim dahil sa mga ilaw ng kanilang float na kumukutikutitap.
Pagkadaan na pagkadaan nila sa amin, ay kanya kanya kaming picture nito.
Pagandahan ng angulo, para maipost sa social media.
Kitang
kita ko na maunlad nga talaga ang bansa nila dahil na din sa kaayusan ng
paligid nila subalit iilan parin pala talaga ang hindi sumususod sa patakaran
ng bansa kagaya nalamang sa loob na tren na kung saan dapat sinusunod ang
priority seat na kung saan dapat ang mga nakaupo ay ang matatanda, buntis, at
may bitbit na bata.
Kinabukasan
ay nagtungo naman kami sa Ocean Park, at nagulat ako kung gaano ito kalaki. Ang
buong akala ko ay, wala nang mas lalaki pa sa laki ng Disneyland na pinuntahan
namin kahapon. Ngunit, mali pala ako. Mas dobleng laki ang lawak nito sa
Disneyland. Tila, hindi kakasiya ang isang araw mo dito para malibot ang buong
lugar. Kung ikukumpara mo ito sa Disneyland, mas maganda dito, may zoo sila na
makakakita ka ng iba't ibang klaseng hayop, at madaming extreme rides pero sa
kabilang banda ay doble din ang mga pila nito para makasakay ka dito.
Gabi
nanaman at tila di ko napansin kung gaano kabilis ang mga oras na lumipas.
Bigla na lamang akong nalungkot dahil bukas na ang lipad namin pauwi ng aking
bansa. Kaya naman bago kami umuwi ay hihirit pa kami ng isang lakwatsya.
Pupunta kami ng night market, upang bumili ng souvenir, damit, at tsokolate na
aming iuuwi para sa lola ko at pinsan ko.
Andito
na kami sa night market, kung titignan mo ay parang isang pinasosyal at
pinaayos na divisoria lamang ito dahil puro ito tindahan ng sapatos, damit, at
marami pang iba. Pwede ka din ditong makapagcellphone dahil ito ay secured ng
mga guwardya at may wifi sila dito.
Masaya
mamili sa night market, dahil ikaw ang magpepresyo sa gusto mong bilihin. Kung
ikaw ay namamahalan sa binebenta nila ay sila pa talaga ang magaadjust para
sayo, bababaan nila ang presyo nito. Kagaya na lamang ng damit na limang piraso
para sa isang daang hong kong dollars. Nakuha lamang namin sa walong pirasong
damit kapalit sa isang daang hong kong dollars.
Nakakatuwa
ang mga tindera dito dahil mayroon silang alam na kaunting filipino word kagaya
ng maganda, salamat, otsenta, singkwenta at kung ano ano pa. Kaya siguro nila
nalaman ang mga salitang ito dahil karamihan sa bumibili sa kanila ay mga Pilipino
talaga. Dagdag pa dito ang pagiging mabait nila, na para pagandun ka sa loob ng
night market ay pantay pantay lamang kayo ng katayuan sa buhay.
Kaya't
kahit masakit na ang paa sa kakalakad ay tuloy parin sa pamimili dahil masaya
din makipagusap dito lalo na kung tungkol sa pagnenegosyo at tawadan ng presyo.
Pagkauwi
sa hotel ay nilapag na kaagad namin lahat ng aming pinamili at natulog na dahil
sa sobrang pagod. Kailangan pang gumising ng maaga kinabukasan dahil magaayos
na ng maleta at uuwi na muli ng Pilipinas.
Bigla
ko na lamang namiss ang mahal kong Pilipinas, namiss ko kung paano kumain ng
kanin, dahil dito sa Hongkong ay hindi sila palakain ng kanin. Namiss kong
magcommute at matulala sa kahabaan ng traffic sa edsa. Dahil minsan, madami ako
ditong realisasyong nakukuha sa buhay ko. May maganda din palang naidudulot ang
traffic sa akin, hindi ko lang alam sa iba.


Comments
Post a Comment