Sambayanan ni Grace Uy
Sambayanan
ni Grace Uy
Sa
paglipas ng panahon, unti-unti akong tumatanda at nakakapansin ng pagbabago sa
aking pagkatao. Hindi lamang sa pisikal na aspekto kundi meron ding pagbabago
sa aking pangkaisipan, kilos, at paniniwala. Isa siguro sa dahilan ng aking
pagbabago ay ang mga nagaganap sa aking paligid at sa aking buhay. Nababago ng
lipunan ang aking pagkatao sa pag control sa aking buhay. Paano? Nakikita ko
nalang ng biglaan ang sarili ko na nagpupursigeng isaayos ang aking sarili
upang makisama sa mga tao sa aking paligid. Sa panahon ngayon, ang “society” o
lipunan ang naghuhugis ng ating pagkatao dahil ang isa satin ay napipilitang
gawin ang mga bagay na gugustuhin ng ibang tao kesa sa ating sarili. Pano nga
ba nakakaapekto ang lipunan sa bawat isa satin? Una sa lahat, nililimitasyon
nito ang ating mga pag-uugali sapagkat nagkakaroon tayo ng takot na mahusgahan.
Pangalawa, natutuksuhan tayong magsinungaling. Isang dahilan nito ay ang
matustusan natin ang inaasahan ng lipunan o ibang tao tungkol sa ating mga
katangian. At pangatlo, sanhi ito ng takot ng ibang tao na maipakita ang
kanilang totoong pagkatao sa publiko.
Kapayapaan
para sa buong mundo ay dapat magsimula sa bawat isa satin. Ito ang pangunahing
prinsipyo sa pagkakaroon. Ngunit sa ibang rason, mas pinapangunahan natin ang
pagbago sa ibang tao at bagay na nakapaligid satin kaysa sa pagbabago saating
sarili. Kung mas gugustuhin natin ng mas mapagmahal at pantay na sosyedad,
dapat tayo maging mapagmahal at makatarungan. Napapaisip ako na bakit ko
kailangang baguhin ang pagkatao ko kung wala namang mali saakin? Hindi din
naman ako ang dahilan ng mga nakasisindak na bagay na naisama sa ating kultura.
Pero alam ko sa sarili ko na may responsibilidad ako sa isang mahalagang bagay
at responsibilidad ko din ang aking sarili.
Marami
tayong mga inaasahan pero higit sa lahat, mayroon din tayong pagkakatulad.
Umaasa tayong lahat na mamuhay ng mapayapa, magmahal at mahalin, at mabago ang
mga mali sa sosyedad. Bakit nga ba hindi pa natin ito maumpisahan? Siguro dahil
tayo mismo ang “lipunan.” Kakailanganin na nating bigyang responsibilidad ang
parte naten sa pag-ambag ng mga negatibong bagay sa lipunan. Mali na sabihan
ang ibang tao na wag mang husga kung alam naman natin sa sarili natin na tayo
rin, ay mapanghusga.
Isang
magandang ideya na baguhin ang ating mga sarili and maging mabuting halimbawa
upang makamit ang hinahangad nating kapayapaan. Hindi dapat tayo “ma-guilty”
kung hindi naten magagwa ang gusto natin. Walang perpekto sa mundo at walang
umaasam na maging perpekto ka pero inaasahan ka padin na subukan ito o sumubok.
Gawin mo ito para sa iyong sarili at malalaman mo kung sino ang susunod sa
iyong mga yapak.


Comments
Post a Comment