SANAYIN ANG MATAGAL NA DAPAT NAKASANAYAN ni Patricia Astudillo

SANAYIN ANG MATAGAL NA DAPAT NAKASANAYAN
ni Patricia Astudillo 

            Marami nga namang mga bagay na nakasanayan na natin noon, tulad na lamang ng mga pangkalyeng larong na piko kung saan kailangan mong ibato and isang matigas na maliit na bagay at dapat hindi mo maaapakan ang kahin kung saan nakalagay ang iyong taya, o kaya naman ang larong 10 20 kung saan dapat hindi mo maapakan ang garter o pumunta tayo dun s amas simple na “Nanay Tatay gusto kong tinapay ate kuya gusto kong kape” at marami pang iba, ngunit aking tanong, sa gulang natin ngayon, kaoag tayo ay naglaro ng piko o di kaya ng 10 20 at nanay at tatay pagktapos ay iba na pala ang pamantayan ng paglalaro, magugustuhan nga ba natin ito?
            Mahirap sanayin ang sarili sa mga bagong bagay, lalo na kung ang mga bagay na yun ay hindi naman natin naksanayan, ay mas lalo na kung yung mga bagay na yun ay ayaw nating kasanayan. Tulad na lamang ng LGBT community, matagal na ang grupong ito, siguro nga ay nabuo na ito bago pa mabuhay ang mga magulang ko; ngunit bakit parang tila hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay ang mga tao sa kanila? Ngunit bakit parang hanggang ngayon ay may mga iba pa ring sinusuka sila? Ngunit bakit parang hanggang ngayon ay hindi parin sila tanggap sa mata ng madla? Ang daming katanungan no? Ngunit isa lang ang aking sagot, tulad natin, sila ay tao lamang din. Ni kailanman hindi ko nakita ang mali sa pagiging masaya, e ano ba ang iyong magagawa? Kung ang mga lalaking iyon ay gustong mag bistida? At ang babaeng iyon ay mas macho pa sa iyong kinakasama?

            Matagal na dapat tayong nasanay sa LGBT community, sapagkat matagal na nilang hinihingi at suporta mula sa lahat ng tao, ngunit parang hanggang ngayo ay hindi pa rin umuusad ang pagiisip natin. Sa aking palagay, dapat na nating tanggapin ang pagbabago, ay mali, dapat tanggapin na natin ang matagal na dapat na tinaggap, yakapin na natin ang matagal na dapat niyakap. Ang LGBT community ay tao rin, at aking uulitin, wala silang ginagawang mali, kung kaya’t bakit di nalang natin sanayin ang mga sarili? Na sila ay ang pagbabagong matagal na dapat nakita at tinanggap ng mga tao. 

Comments

Popular Posts