Singapore: Lion City of Asiani Angelica Garrido

Singapore: Lion City of Asiani Angelica Garrido


            Isang mag-aaral. Isang kabataan. Isang batang nagnanais na malaman kung ano pa ang nasa labas ng Pilipinas – at iyon ay ako. Bata pa lamang ako ay nagnanais na ako makasakay sa eroplano papuntang ibang bansa. Isa ako sa mga nangangarap na makita kung ano nasa labas ng Pinas, mga lugar na pinupuntahan ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi lamang na para mapunan ang aking pansariling kagustuhan subalit para rin malaman at matutunan ang kultura, pamumuhay, at pati ang kanilang paraan ng pagpapakita ng pananampalataya.

            Noong isang taon, pumunta ako sa kay gandang bansa na tinawag na Singapore o The Lion City of Asia. Ang bansang ito ay isa ring Southeast Asia’s most modern city sa loob ng isang daang taon. Pang-apat naman ito sa mga nangungunang “Financial Centre” sa mundo, kaya siguro ang mga bilihin dito ay doble sa bilihin dito sa Pilipinas.

            Una akong pag-apak sa bansang Singapore ay iba na ang aking naramdaman. Mahirap man sabihin ngunit ibang-iba ito sa Pilipinas. Mararamdaman mo dito kung paano talaga sila mamuhay – kalinisan at kapayaan ay pinapanatili rito. Mararamdaman mo talaga na ikaw ay “safe” dito. Ang mga tao ay mababait at pinapahalagaan ka. Sa Bayview Hotel, ang mga empleyado ay mahal na mahal ang kanilang trabaho – sa pagdating namin, sila ay maligayang-maligaya. Marunong din sila mag-ingles at nakakaunawa ng mabuti. Ang napansin ko lang sa mga tao ay sila ay iba-iba ng lahi. Ayon sa aking pagtatanong, ang Singapore ay may iba-iba na citizenship. Ngunit hindi ito sagabal para mapaunlad ang kanilang bansa.

            Mayroon akong tatlong lugar na aking napuntahan at lugod kong itatala ang mga ito para sainyo.

           
     Singapore Art Museum ang nasa unahan ng aking listahan dahil ako ay mahilig sa mga museo. Dito ko nakita ang buong kasaysayan, kultura, at pamumuhay ng Singapore. Namangha ako sa mga nasa loob nito dahil ibang-iba ito sa mga nakikita ko sa aking bansa. Mayroon silang ‘originality’ sa paggawa ng art at dahil dito napaisip ako na mayroon pa palang mga kakaibang bagay na maaring mabuo sa panahon ngayon. Rates: $5 for students, $10 for adults


          Kakaiba ang presentasyon ng mga kagiliw-giliw na parke sa Universal Studios, ito ang kauna-unahang theme park na tila America sa pakiramdam at paligid. Napakalaki ng loob nito at siguradong sulit ang iyong binayad. Rates: $75 for a single entry



          Ang lugar na ito ang hindi mo pwedeng mapalagpas kapag ikaw ay pumunta sa Singapore. Kilala ang Singapore sa kanilang Merlion na pinaghihinalayaan na mayroon ito sa Marina Bay. Ang mga turista ay hindi umuuwi hangga’t wala silang litrato sa Merlion.  



Comments

Popular Posts