Unti-unting nawalan ng ilaw ang tahanan ni Kaye Mendoza
Unti-unting nawalan ng
ilaw ang tahanan
ni Kaye Mendoza
Makikita mo ang kaibahan ng nasa siyudad at
nasa probinsya. Sa hangin, sa mga tao na makikita mo habang naglalakad, kung
gaano kagulo at kung gaano kapayapa ang mga bagay at pati na rin sa mga kasama
mo sa bahay. Noong bata pa ako, Alam kong papunta kami sa aming probinsya kapag
nakita ko na ang mga nakahilerang kulay luntian na puno sa highway, mga kotse
na hindi gaanong mausok ang tambucho at sa toll gate ka lang makaka gamit ng
cr. Wala pang masyadong stop over na makakainan niyo kapag nagugutom na kayo.
At ganoon din sa aming pamilya, Nasa probinsya na ako kapag kasama ko ang Lola
ko at pinsan ko na talaga namang close ako. Nakakalungkot man isipin, pero may
mga batang lumaki ng hindi malapit sa pamilya pero malapit sa kamag-anak at isa
ako doon. Kapag nasa bahay kami ng aking Lola ay makikita mo ang sandamakmak na
pagkain sa lamesa, nagkakasiyahan at magulo ang bahay dahil sa lakas ng boses
ng isa’t isa na sumisimbolo sa aming pagiging Batangueno. Magsisimula ng umaga
at magtatapos ng gabi ang kasiyahan na ito sapagkat ang aming pamilya ay minsan
lang makauwi, sa tuwing magkakaroon lamang ng mahabang bakasyon tulad ng
Christmas break, Semana Santa, at kung anu-ano pa, na swak rin naman sa
iskedyul ng mga kamag-anak namin sa Lipa kung kaya’t nagiging buo kami bilang
isang pamilya.
Pero marami
nagbago magmula noong nalaman namin na mayroong cancer ang aking Tita. Sa bahay
sila ng Lola ko nanatili upang magamot at masubaybayan sapagkat nag-aalala rin
ang Lola ko sakanya na kahit masakit para sakanya na makita ang kanyang anak na
nahihirapan ay tiniis niya ito para lang maalagaan ang kanyang anak. Unti-unti
namin naramdaman ang pagkapundi ng ilaw ng tahanan sapagkat 85 years old na ang
lola ko at wala na ang lolo ko na ama ng aking tatay at patay na rin ang
magulang ng nanay ko kaya ang lola ko ang naging ilaw namin ng tahanan kapag
nasa Lipa sapagkat gusto namin siya maging malakas at masaya ngunit dahil nga
sa pangyayaring iyon ay nagbago ang lahat. Mula sa highway na aming dinadaanan,
madalas non ay maamoy mo ang sinusunog na kagubatan para mapagtayuan ng mga
stop over na nakakasira ng ating kalikasan o “mother earth” at kahit mga theme
parks o kaya naman resort ay tinatayuan na nila dahil ito ay magandang lokasyon
para sa kabuhayan. Pati na rin sa aming pamilya na sa tuwing uuwi kami ay hindi
na kami pumupunta sa bahay ng lola ko dahil sinasabi ng nanay ko na baka mahawa
kami sa mga germs na dala ng tita ko, hindi na rin kami nagkikita-kita doon at
kumakain bilang isang buong angkan dahil madalas ay may kanya-kanya na ding
dahilan ang bawat pamilya na kesyo dahil sa trabaho o may skedyul na “outing”. Pero
matigas ang ulo ko kung kaya’t tuwing umaga ay pumupunta ako sa bahay ng Lola
ko para rin makasama ang pinsan kong sanggang-dikit ko, kaso kinain din ako ng
kalungkutan sapagkat tuwing papasok ako ng bahay ay makikita kong umiiyak ang
Lola ko. Ramdam ko at kita ko na gusto niyang kunin ang sakit ng kanyang anak
pero di pwede kaya pag-iyak na lang ang tanging kaya niyang gawin. Makalipas
ang ilang buwan ay nabalitaan naming na sinugod ang Lola ko sa ospital at agad
din binawian ng buhay at makalipas ang isang buwan ay nagpaalam na rin ang Tita
ko. Unti-unting namatay ang ilaw ng tahanan at pwede rin ito mangyari maging sa
ating kalikasan.


Comments
Post a Comment