Usok ni Alyssa Bunag

Usok
ni Alyssa Bunag


Araw araw tayo'y humihinga sa bansang punong puno ng polusyon. Maduming paligid, maduming tubig at higit sa lahat maduming hangin. Saan nga ba sila nanggagaling? Ano ang mga pinang gagalingan ng mga masasamang. Hanging ating nahihigop? Ito ba ay nakakasama sa ating kalusugan? Paano natin ito mapipigilan? Mapipigilan nga ba o lalo lang mapapalala? Ang pagsisigarilyo ba ay nakaka apekto sa ating kapaligiran? Sa kapaligiran nga ba o pati sa ating mga kalusugan? Lahat ng tao gusto ng pagbabago, paano natin maiiwasan ang polusyon? Paano na ang mga susunod na henerasyon kung hindi natin ito inalagaan ng maayos. Maaring mapipigilan natin ang paglaganap pero ito'y aabutin ng taon. Hanggang kailan tayo aasa sa gobyerno na kaya nila itong bigyang solusyon? Hindi natin hawak ang buhay ng bawat tao, taong naninigarilyo, taong nagiilegal logging at ang mga mangingisdang nagdadynamite fishing. Mga taong naninigarilyo na hindi nila alam na doble ang epekto nito, sarili nila at kapaligiran. Winawasak at dinudumihan nito ang mundong ating ginagalawan. Ngunit bakit tila sayang sayang pa sila sa paghigop at pagbuga nito? Sa tuwing pagsindi mo ng isang stick ng sigarilyo ito'y katumbas ng sampung porsyento ng iyong buhay at hindi lang sarili mo ang naapektuhan pati ang ating Inang kalikasan. Sa bawat pagbuga mo ng usok at paglanghap ng mga taong nakakasingot nito hindi mo ba alam na mas malaki ang epekto nito kesa sayo na sayang sayang manigarilyo? Oo, second hand smoker at inang kalikasan ang apektado sa tuwing sisindi at bubuga ka ng iyong isang stick na sigarilyo. Hindi ka ba nahahabag? Sa kaonti mong kasiyahan malaki ang nawawasak sa ating kalikasan pati ang ating lipunan. Tulungan mo ang iyong sarili pati narin ang ating lipunan. Maari ka pang magbago, maari pa natin baguhin ang ating lipunan. Simulan natin ito sa ating mga sarili para makita ang maaliwalas na bansa. Mga taong illegal na nagpuputol ng puno. Mga mangingisdang nagdadynamite fishing

Comments

Popular Posts