“YoBags” ni Marco Galang

“YoBags”
 ni: Marco Galang            
            Napakadali ng pumunta sa Baguio ngayon. Salamat sa TPLEX. Ang biyahe mula Angeles City hanggang Baguio City ay nasa mga tatlong (3) oras na lamang. Ayon sa aking mga magulang hindi na daw nakaka-inip ang biyahe. Kaya naman napakadalas naming pumunta sa Baguio.
            Sa katunayan, dalawang magkasunod na taon, sa Baguio City namin sinalubong ang bagong taon. Duon din kami nagbakasyon noong “Semana Santa Break”. Ito ay parang naging “second home” na sa amin.
            Sino nga naman ba ang hindi mahuhumaling sa malamig na klima nito? Ang dami pang magagandanng tanawin at parke. Tulad na lamang ng Burnham Park. Kung saan pwede kang sumakay ng bangka. Mayroon ding arkilahan ng bicycle duon. Masarap din ang manggang may bagoong at ang inihaw na pusit.
            Naduon din ang Botanical Garden. Sasalubungin ka ng mga katutubo na nakasuot pang-Igorot kung saan ay maaari kang papalitrato kasama sila at magabayad ka ng sampung piso (P10.00) kada tao. Makikita mo sa loob ng garden ang Igorot Village. Maganda ang tanawin dahil sa mga halaman na nasa loob nito.
            Wright Park. Kilala ito sa mga kabayong maaring mong arkilahin. Malapit dito ang The Masion House. Dito daw tumutuloy ang Presidente ng Pilipinas sa tuwing sila ay nasa Baguio.
            Mines View Park.  Ito ay isa rin sa mga popular na pasyalan sa Baguio. Napakaganda rin ng ‘view’ na makikita sa “observation deck” nito. Mayroon ding nagpapa-arkila ng ‘binoculars’ sa halagang limang piso (P5.00).
            Camp John Hay. Dating base militar ng mga amerikano. Ito ang naging pahingahan din nila. At ito ang gustung-gustong  pinupuntahan ng tatay ko. Dahil sa magandang “golf course” nito (mahal na mahal ng tatay ko ang golf).
            Marami pang ibang pwedeng puntahan kapag ikaw ay nasa Baguio tulad ng Strawberry Farm sa Trinidad, Benguet, Ang SM sa Session Road, BenCab Café sa Asin, Benguet at maraming marami pang iba.
                        Kaya nga sa tuwing magkakaroon kami ng pagkakataon na pumuntang Baguio, pumupunta kami agad doon. Ito ay isang “happy place” sa amin. Walang ibang problema kundi saan ang susunod na pupuntahan at saan ang susunod na kakainan.  Ang pakiramdam kasi kapag nasa Baguio ay para lamang mag bakasyon. Napaka sarap ng pakiramdam kapag ikaw ay nandoon dahil halos lahat ng tao na madadatnan mo rito ay naka bakasyon din. At alam natin kase na kapag ang isang tao ay naka "Vacation Mode", wala kang makukuha sa kanya kung hindi "Good vibes." Sa dami daming problema sa Pampanga, ang Baguio ay naging "escape" namin.
            Tuwing kame ay naka "Escape mode", kaming lahat ay lalong nagiging malapit sa isa't isa. Ang Baguio na rin ang naging instrumento upang kami ay mas maging matatag bilang isang pamilya.

            Ang daming masasayang alaala ng Baguio sa amin. Salamat YoBags, sa muling pagkikita.

Comments

Popular Posts